Hadith for the World
Ang Ṣalāh

Ang Paglalarawan sa Ṣalāh

10 hadiths

10 hadiths

Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Itinuro sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang ang kamay ko ay nasa pagitan ng mga kamay niya, ang tashahhud kung paanong itinuturo niya sa akin ang kabanata mula sa Qur'ān: "Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt. Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn. Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. Ang pangangalaga ay sa kanya at sa mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)" Sa isang pananalita batay sa dalawa: Tunay na si Allāh ay ang Sakdal. Kaya naman kapag naupo ang isa sa inyo sa ṣalāh, sabihin niya: "Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt. Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. Ang pangangalaga ay sa amin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh.)" Kapag nagsabi siya nito, mapatutungkol ito sa bawat maayos na lingkod ni Allāh sa lupa at langit. [Pagkatapos sabihin:] "Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh, at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)" Pagkatapos makapipili siya mula sa mahihiling ng anumang niloloob niya.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag nag-amen ang imām ay mag-amen kayo sapagkat tunay na ang sinumang natapat ang pag-amen niya sa pag-amen ng mga anghel ay magpapatawad sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag tumindig noon para sa pagdarasal, ay nagsasabi: "Wajjahtu wajhī lilladhī faṭara -ssamāwāti wa -l'arḍa hanīfan wa mā anā mina -lmushrikīn. Inna ṣalātī wa nusukī wa maḥyāya wa mamātī lillāhi rabbi -l`ālamīna lā sharīka lahu wa bidhālika umirtu wa anā mina -lmuslimīn. Allāhumma anta -lmaliku lā ilāha illa anta, anta rabbī wa anā `abduka, đalamtu nafsī wa`taraftu bidhambī fa-ghfir lī dhunūbī jamī`an, innahu lā yaghfiru -dhdhunūba illā anta, wa -hdinī li'aḥsani -l'akhlāqi, lā yahdī li'aḥsanihā illā anta, wa -ṣrif `annī sayyi'ahā, lā yaṣrifu `annī sayyi'ahā illā anta, labbayka wa sa`dayka, wa -lkhayru kulluhu fī yadayka, wa -shsharru laysa ilayka, anā bika wa ilayka, tabārakta wa ta`ālayta, astaghfiruka wa atūbu ilayka. (Ibinaling ko ang mukha ko sa naglalang ng mga langit at lupa bilang isang makatotoo, at hindi ako kabilang sa mga nagtatambal sa Panginoon. Tunay na ang dasal ko, ang handog ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, walang katambal sa Kanya. Iyon ay ipinag-utos sa akin, at ako ay kabilang sa mga Muslim. O Allāh, Ikaw ang Hari, walang Diyos kundi Ikaw. Ikaw ay Panginoon ko at ako ay lingkod Mo. Lumabag ako sa katarungan sa sarili ko at inamin ko ang pagkakasala ko kaya patawarin Mo ako sa lahat ng mga pagkakasala ko; tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw. Patnubayan Mo ako sa pinakamaganda sa mga kaasalan; walang magpapatnubay sa pinakamaganda sa mga iyon kundi Ikaw. Ilayo Mo sa akin ang masagwa sa mga iyon; walang magpapalayo sa akin sa masagwa sa mga iyon kundi Ikaw. Bilang pagtugon sa Iyo at bilang pagsunod sa Iyo, ang mabuti, lahat ng ito, ay nasa mga kamay Mo. Ang masama ay hindi inuugnay sa Iyo. Ako ay nagagabayan sa pamamagitan Mo at nagpapakanlong sa Iyo. Napakamapagpala Mo at pagkataas-taas Mo. Humihingi ako ng tawad sa Iyo at nagbabalik-loob ako sa Iyo.)" Kapag yumukod siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka raka`tu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, khasha`a laka sam`ī wa baṣarī, wa mukhkhī wa `ađmī wa `aṣabī. (O Allāh sa Iyo ako yumukod, sa Iyo ako sumampalataya, at sa Iyo ako nagpasakop. Nagpakababa sa Iyo ang pandinig ko, ang paningin ko, ang utak ko, ang buto ko, at ang litid ko." Kapag umangat siya, nagsasabi siya: "Allāhumma rabbanā laka -lḥamd, mil'a -ssamāwāti wa mil'a -l'arḍ, wa mil'a mā baynahumā wa mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d. (O Allah, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri, na makapupuno sa mga langit, makapupuno sa lupa, makapupuno sa anumang nasa pagitan ng mga ito, at makapupuno ng anumang bagay na niloob Mo pagkatapos.)" Kapag nagpatirapa siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka sajadtu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, sajada wajhī lillādhī khalaqahu wa ṣawwarahu, wa sḥaqqa sam`ahu wa baṣarahu, tabāraka -llāhu aḥsanu -lkhāliqīn. (O Allāh, sa Iyo ako nagpatirapa, sa Iyo ako sumampalataya, at sa Iyo ako nagpasakop. Nagpatirapa ang mukha ko sa Kanya na lumikha rito, nag-anyo rito, nagbukas sa pandinig at paningin nito. Napakamapagpala ni Allāh, ang pinakamagaling sa mga tagapaglikha.)" Pagkatapos kabilang sa huli sa sinasabi niya sa pagitan ng tashahhud at taslīm: "Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa mā akhkhartu, wa mā asrartu wa mā a`lantu, wa mā asraftu, wa mā anta a`lamu bihi minnī, anta -lmuqaddimu wa anta -lmu'akhkhiru, lā ilāha illā anta. (O Allāh, patawarin Mo ako sa [kasalanang] naunang nagawa ko at nahuling nagawa ko, [kasalanang] inilihim ko at inihayag ko, at [kasalanang] ipinagmalabis at [kasalanang] Ikaw ay higit na nakaaalam doon kaysa sa akin. Ikaw ay ang nagpapauna at Ikaw ay ang nagpapahuli; walang Diyos kundi Ikaw.)"Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Al-Hakam,siya ay nagsabi:Nanatili sa Kufa ang isang lalaking -tinatawag sa pangalang- Zaman Bin Al-Ash-ath, Ipinag-utos niya kay Aba `Ubaydah bin `Abdullah na magdasal sa mga tao,At siya ay nagdarasal,At kapag itinaas niya ang ulo mula sa pagyuko,tumatayo siya sa tagal ng pagsabi ko ng: O Allah! Panginoon namin ang lahat ng papuri ay sa Iyo,napupuno ang langit at napupuno ang kalupaan at napupuno ang anumang ibigin Mo sa anumang bagay pagkatapos nito,Ang karapat-dapat sa pagpuri at pagdakila, Walang nakahahadlang sa anumang ipinagkakaloob mo, At walang nakapagkakaloob sa anumang hinahadlangan mo,At hindi pakikinabangan ng nagmamay-ari ng kayamanan, sa Iyo ang kayamanan [nito],Nagsabi si Al-Hakam: Binanggit ko ito kay `Abdurrahman bin Abe Layla,at siya ay nagsabing: Narinig ko si `Al-Barra`bin A`zib,-na nagsasabing: ((Ang pagdarasal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagyuko niya,[at gayundin] kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,at ang pagpapatirapa niya, At ang pagitan ng dalawang pagpapatirapa niya ay malapit sa pagkakapareho)) Nagsabi si Shu`bah:Binanggit ko ito kay `Amr bin Murrah,at nagsabi siya: Tunay na nakita ko si Ibn Abe Layla,ngunit ang pagdarasal niya ay hindi naging ganoonNagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Inutusan ako na magpatirapa [habang nagdidiit] sa [lapag ng] pitong buto: sa noo, at tumuro siya ng kamay niya sa ilong niya, dalawang kamay, dalawang tuhod, at mga dulo ng dalawang paa; at hindi tayo magtungkos ng mga kasuutan at buhok."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa: "Allāhumma –ghfir lī, wa-­rḥamnī, wa-`āfinī, wa-­hdinī, wa-­rzuqnī. (O Allāh, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, paligtasin Mo ako, patnubayan Mo ako, at tustusan Mo ako.)"}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya.Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan : ay hindi nanalangin sa [Qunut] maliban kapag ipinapanalangin niya ang mga taong [Muslim] o ipinapanalangin niya ang mga taong [Hindi mananampalataya]Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Khuzaymah
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamasagwa sa mga tao sa pagnanakaw ay ang nagnanakaw ng ṣalāh niya." Nagsabi ito: "Papaano po siyang magnanakaw ng ṣalāh niya?" Nagsabi siya: "Hindi siya nagpapalubos ng pagyukod dito ni ng pagpapatirapa rito."}Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Ḥibbān
Ayon sa Anak ni Abū Awfā (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: Ang Sugo ni Allāh noon, kapag nag-angat siya ng likod niya mula sa pagkakayukod, ay nagsasabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah. Allāhumma, rabbanā, laka –lḥamd, mil'a –ssamāwāti wa-mil'a –l'arḍi wa-mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d. (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya. O Allāh, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri na kasimpuno ng mga langit, kasimpuno ng lupa, at kasimpuno ng niloob Mo na bagay matapos niyon.)"Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Uthmān bin Abī Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang demonyo ay humarang nga sa pagitan ko at ng ṣalāh ko at pagbigkas ko, habang nagpapatuliro nito sa akin." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Iyan ay demonyong tinatawag na Khinzab. Kaya kapag nakadama ka sa kanya, magpakamapagpakupkop ka kay Allāh laban sa kanya at lumura ka sa kaliwa mo nang tatlong ulit." Nagsabi ito: "Kaya gumawa ako niyon saka nag-alis niyon si Allāh sa akin."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim