Hadith for the World
Ang Ṣalāh

Ang mga Kamalian ng mga Nagdarasal

5 hadiths

5 hadiths

Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang pagdarasal sa pagkahain ng pagkain at wala habang siya ay nagpipigil ng dalawang karumihan."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya.Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakakita ng sipon sa [may bandang] Qiblah,Kamunghi-munghi ito para sa kanya,hanggang sa makikita mo ito sa mukha niya,Tumayo siya at kinamot ito gamit ang kamay niya, Nagsabi siya: ((Tunay na ang isa sa inyo,kapag tumindig sa pagdarasal niya,tunay na nananalangin siya sa Panginoon niya,At tunay na ang Panginoon niya ay nasa pagitan niya at pagitan ng Qiblah,Kaya huwag magdura ang isa sa inyo sa harap ng Qiblah niya,ngunit sa kanyang bandang kaliwa o sa ilalim ng dalawang paa niya))Pagkatapos ay kinuha niya ang dulo ng damit niya,at nagdura rito,Pagkatapos ay kinamot niya ang bawat isa rito,Nagsabi siya: ( O di kaya ay gawin niya ang ganito))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ano ang isip ng mga taong nag-aangat ng mga paningin nila sa langit sa pagdarasal nila?" Tumindi ang sabi niya kaugnay roon hanggang sa nagsabi siya: "Talaga ngang titigil sila roon o talaga ngang hahablutin ang mga paningin nila."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nakalimot ng isang ṣalāh ay magdasal nito kapag nakaalaala nito; walang panakip-sala para rito kundi iyon (Qur'ān 20:14): {...at magpanatili ka ng pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin.}"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakamasagwa sa mga tao sa pagnanakaw ay ang nagnanakaw ng ṣalāh niya." Nagsabi ito: "Papaano po siyang magnanakaw ng ṣalāh niya?" Nagsabi siya: "Hindi siya nagpapalubos ng pagyukod dito ni ng pagpapatirapa rito."}Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Ḥibbān