TL
Ang Ṣalāh
Ang Pagkatungkulin ng Ṣalāh ang Hatol sa Nagwawaksi Nito
5 hadiths
Ang Pagkatungkulin ng Ṣalāh ang Hatol sa Nagwawaksi Nito
5
Ang Kalamangan ng Ṣalāh
10
Ang Adhān at ang Iqāmah
6
Ang mga Oras ng Pagbabawal sa Ṣalāh
2
Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh
3
Ang mga Saligan ng Ṣalāh
2
Ang mga Kinakailangan sa Ṣalāh
1
Ang mga Sunnah ng Ṣalāh
1
Ang Paglalarawan sa Ṣalāh
10
Ang mga Dhikr sa Ṣalāh
15
Ang mga Nagpapawalang-saysay sa Ṣalāh
1
Ang mga Kamalian ng mga Nagdarasal
5
Ang Pagpapatirapa sa Pagkalingat [sa Ṣalāh], Pagbigkas, at Pasasalamat
4
Ang Kalamangan ng Ṣalāh sa Jamā`ah at ang mga Patakaran Nito
7
Ang mga Patakaran ng Imām (Pinuno) at Ma`mūm (Pinamumunuan) sa Ṣalāh
4
Ang Ṣalāh ng mga May Kadahilanan
1
Ang Ṣalāh sa Araw ng Biyernes
7
Ang Ṣalāh ng Pagkukusang-loob
40
Ang Ṣalāh sa Sandali ng Eklipse ng Araw at Eklipse ng Buwan
2
Ang Ṣalāh ng Paghiling ng Ulan
1
أحكام المساجد
9
5 hadiths
Ayon kay `Amr bin Shu`ayb, ayon sa ama niya, ayon sa lolo niya na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-utos kayo sa mga anak ninyo ng pagdarasal kapag sila ay pitong taong gulang. Mamalo kayo sa kanila dahil [sa pagkukulang] dito kapag sila ay sampung taong gulang. Magpahiwalay kayo sa kanila sa mga higaan."}
Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud
Ayon kay Buraydah bin Al-Ḥuṣayb (malugod si Allāh sa kanya), siya ay nagsabi: {Magpakaaga kayo sa ṣalāh sa hapon sapagkat tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagwaksi ng ṣalāh sa hapon, bumagsak nga ang gawa niya."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nakalimot ng isang ṣalāh ay magdasal nito kapag nakaalaala nito; walang panakip-sala para rito kundi iyon (Qur'ān 20:14): {...at magpanatili ka ng pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin.}"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na sa pagitan ng tao at ng shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim