1 hadiths
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Sinabi niya:Binuksan ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang kurtina,At ang mga Tao ay nakalinya sa likod ni Abu Bakar,Nagsabi siya: (( O Sangkatauhan,Tunay na wala ng natira sa mga magagandang bagay mula sa mga Propeta maliban sa magandang panaginip,na nakikita ng Muslim,o ipinapakita sa kanya,Hindi ba`t ako`y pinagbawalan na basahin ang Qur-an habang ako ay nakayuko o nakapagpatirapa,At sa pagyuko,ay dakilain ninyo rito ang Panginoon-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,At sa pagpapatirapa,magsumikap kayo sa pananalangin at isipin ninyo na tatanggapin ito sa inyo))Nagsalaysay nito si Imām Muslim