Hadith for the World
Ang Ṣalāh

Ang Kalamangan ng Ṣalāh sa Jamā`ah at ang mga Patakaran Nito

7 hadiths

7 hadiths

Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Ang dasal ng lalaki [kasama ang] Jamaah ay pinaparami sa dasal niya sa kanyang bahay at sa tindahan, nang dalawampung pagpaparami,Ito ay dahil: sa kapag siya ay nagsagawa ng Wudhu at pinagbuti ito,pagkatapos ay pumunta siya sa Masjid,at walang ibang dahilan na nagpalabas sa kanya maliban sa pagdarasal; Walang hakbang na hahakbangin niya maliban sa itoy magpapataas ng antas niya,at magbubura sa mga kasalanan niya.At kapag nagdasal na siya,nananatili ang mga Anghel sa pananalangin para sa kanya,habang nananatili siya sa pinagdadasalan niya.O Allah! pangalagaan mo siya,O Allah! patawarin mo siya,O Allah! mahabag ka sa kanya,At mananatili siya sa pananalangin hanggat naghihintay siya ng pagdarasal))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang dasal ng lalaki sa isang kongregasyon ay nakahihigit sa dasal niya sa bahay niya at sa dasal niya sa palengke niya nang higit sa dalawampu't higit pang antas. Iyon ay dahil sa ang isa sa kanila – kapag nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahusay siya sa pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos pumunta siya sa masjid, na walang nag-uudyok sa kanya kundi ang pagdarasal, na walang ninanais kundi ang pagdarasal – walang hahakbanging hakbang malibang mag-aangat para sa kanya dahil dito ng isang antas at mag-aalis sa kanya dahil dito ng isang kasalanan hanggang sa makapasok siya sa masjid. Kapag naman nakapasok siya sa masjid, siya ay nasa pagdarasal hanggat ang pagdarasal ay nagpapanatili sa kanya. Ang mga anghel ay dumadalangin ng basbas sa isa sa inyo hanggat siya ay nasa inuupuan niya na pinagdasalan niya, na nagsasabi: 'O Allāh, maawa Ka sa kanya; O Allāh, magpatawad Ka sa kanya; O Allāh, tumanggap Ka ng pagbabalik-loob sa kanya.' hanggat hindi siya namemerhuwisyo rito, hanggat hindi siya nasisiraan ng wuḍū' rito."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pumunta sa umaga sa masjid o pumunta sa gabi, maghahanda si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng isang tuluyan sa tuwing pumupunta siya sa umaga o pumupunta siya sa gabi."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Nakalalamang ang ṣalāh ng pagtitipon sa ṣalāh ng isa sa inyo nang mag-isa ng dalawampu't limang bahagi. Nagtitipon ang mga anghel ng gabi at ang mga anghel ng maghapon sa ṣalāh sa madaling-araw."} Pagkatapos nagsasabi si Abū Hurayrah: "Kaya bigkasin ninyo, kung niloob ninyo (Qur'ān 17:78): {tunay na ang [pagbigkas ng] Qur'ān sa madaling-araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel].}"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking bulag saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na wala akong isang tagaakay na aakay sa akin patungo sa masjid." Kaya humiling ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magpahintulot siya rito para magdasal ito sa bahay nito. Kaya nagpahintulot siya rito ngunit noong nakalisan ito ay tinawag niya ito saka nagsabi siya: "Naririnig mo ba ang panawagan sa pagdarasal?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya tugunin mo."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن عبد الرحمن بن أبي عمرة قال: دخل عثمان بن عفان المسجد بعد صلاة المغرب، فقعد وحده، فقعدتُ إليه فقال: يا ابن أخي، سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «من صلى العشاء في جماعة فكأنما قام نصف الليل، ومن صلى الصبح في جماعة فكأنما صلى الليل كله».رواه مسلم
عن أبي موسى قال: قال النبي صلى الله عليه وسلم: «أعظم الناس أجرًا في الصلاة أبعدهم فأبعدهم ممشى، والذي ينتظر الصلاة حتى يصليها مع الإمام أعظم أجرًا من الذي يصلي ثم ينام».متفق عليه