Hadith for the World
Ang Ṣalāh

أحكام المساجد

9 hadiths

9 hadiths

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpantay kayo ng mga linya ninyo sapagkat tunay na ang pagpapantay ng linya ay kabilang sa pagkalubos ng pagdarasal."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, huwag Mong gawin ang libingan ko bilang isang diyus-diyusan." Sumumpa si Allāh sa mga taong gumawa sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan.}Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allāh sa kanya: "Inilahad sa akin ang mga gawa ng Kalipunan ko: ang maganda sa mga ito at ang masagwa sa mga ito. Natagpuan ko sa mga kagandahan ng mga gawa nito ang nakapipinsala ay inaalis sa daan at natagpuan ko sa mga kasagwaan ng mga gawa nito ang plema ay nasa masjid hindi inililibing."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pinakakaibig-ibig sa mga bayan kay Allāh ay ang mga masjid ng mga ito at ang pinakakasuklam-suklam sa mga bayan kay Allāh ay ang mga palengke ng mga ito."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Si Ummu Salamah ay bumanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng isang simbahang nakita niya sa lupain ng Etyopya, na tinatawag na Māriyah, saka bumanggit siya rito ng nakita niya sa loob niyon na mga larawan. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga iyon ay mga taong kapag namatay sa kanila ang maayos na lingkod o ang maayos na lalaki, nagpapatayo sila sa ibabaw ng libingan nito ng isang sambahan at nagsasalarawan sila rito ng mga larawang iyon. Ang mga iyon ay ang pinakamasasama sa mga nilikha sa ganang kay Allāh."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Qatādah As-Salamīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, yumukod siya ng dalawang rak`ah bago siya umupo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Ḥumayd o ayon kay Abū Usayd na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, magsabi siya ng: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo)."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عَن أَبي هُرَيْرَةَ، قَالَ: قَامَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِي صَلاَةٍ وَقُمْنَا مَعَهُ، فَقَالَ أَعْرَابِيٌّ وَهُوَ فِي الصَّلاَةِ: اللَّهُمَّ ارْحَمْنِي وَمُحَمَّدًا، وَلاَ تَرْحَمْ مَعَنَا أَحَدًا. فَلَمَّا سَلَّمَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ لِلْأَعْرَابِيِّ: «لَقَدْ حَجَّرْتَ وَاسِعًا» يُرِيدُ رَحْمَةَ اللهِ.رواه البخاري
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May pitong maglililim sa kanila si Allāh (napakataas Siya) sa lilim Niya sa araw na walang lilim kundi ang lilim Niya: isang pinunong makatarungan; isang binatang lumaki sa pagsamba kay Allāh; isang lalaking ang puso niya ay pinahumaling sa mga masjid; dalawang taong nag-iibigan alang-alang kay Allāh, na nagtitipon para sa Kanya at naghihiwalay para sa Kanya; isang lalaking inanyayahan ng isang babaing may katungkulan at karikitan ngunit nagsabi siya: Tunay na ako ay nangangamba kay Allāh; isang taong nagkawanggawa ng isang kawanggawa saka nagkubli niyon hanggang sa hindi makaalam ang kaliwa niya sa ginugugol ng kanan niya; at isang taong nakaalaala kay Allāh nang nag-iisa saka nag-umapaw ang mga mata niya [sa luha]."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito