TL
Ang Ṣalāh
Ang Adhān at ang Iqāmah
6 hadiths
Ang Pagkatungkulin ng Ṣalāh ang Hatol sa Nagwawaksi Nito
5
Ang Kalamangan ng Ṣalāh
10
Ang Adhān at ang Iqāmah
6
Ang mga Oras ng Pagbabawal sa Ṣalāh
2
Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh
3
Ang mga Saligan ng Ṣalāh
2
Ang mga Kinakailangan sa Ṣalāh
1
Ang mga Sunnah ng Ṣalāh
1
Ang Paglalarawan sa Ṣalāh
10
Ang mga Dhikr sa Ṣalāh
15
Ang mga Nagpapawalang-saysay sa Ṣalāh
1
Ang mga Kamalian ng mga Nagdarasal
5
Ang Pagpapatirapa sa Pagkalingat [sa Ṣalāh], Pagbigkas, at Pasasalamat
4
Ang Kalamangan ng Ṣalāh sa Jamā`ah at ang mga Patakaran Nito
7
Ang mga Patakaran ng Imām (Pinuno) at Ma`mūm (Pinamumunuan) sa Ṣalāh
4
Ang Ṣalāh ng mga May Kadahilanan
1
Ang Ṣalāh sa Araw ng Biyernes
7
Ang Ṣalāh ng Pagkukusang-loob
40
Ang Ṣalāh sa Sandali ng Eklipse ng Araw at Eklipse ng Buwan
2
Ang Ṣalāh ng Paghiling ng Ulan
1
أحكام المساجد
9
6 hadiths
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag narinig ninyo ang panawagan [ng ṣalāh], sabihin ninyo ang tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang mu'adhdhin, ng: Ashhadu an lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah, wa-anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-muḥammadir rasūlan, wa-bi-l'islāmi dīnā. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, kay Muḥammad bilang Sugo, at sa Islām bilang Relihiyon.), patatawarin para sa kanya ang pagkakasala niya."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kapag nanawagan para sa pagdarasal, tumatalikod ang demonyo at mayroon siyang utot upang hindi niya marinig ang pananawagan. Kapag natapos ang panawagan, humaharap siya hanggang sa kapag isinagawa na ang iqāmah, tumatalikod siya hanggang sa kapag natapos na ang iqāmah, humaharap siya hanggang sa manligalig siya sa pagitan ng tao at sarili nito. Sinasabi niya: 'Alalahanin mo ang ganito at alalahanin mo ang gayon,' para sa hindi niya naalaala noong una hanggang sa manatili ang lalaki na hindi nakaaalam kung ilan ang dinasal nito."
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang mga mu'adhdhin ay ang pinakamahaba sa mga tao sa mga leeg sa Araw ng Pagbangon."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang panawagan, ng: Allāhumma rabba hādhihi -dda`wati -ttāmmāti wa-ṣṣalāti -lqā’imah, āti muḥammadani -lwasīlata wa-lfaḍīlah, wa-b`athhu maqāmam maḥmūdani -lladhī wa`attahu (O Allāh, ang Panginoon nitong panawagang lubos at ṣalāh na isasagawa, ibigay Mo kay Muḥammad ang kaparaanan at ang kalamangan at buhayin Mo siya sa katayuang pinapupurihan, na ipinangako Mo), dadapo sa kanya ang Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag nakarinig kayo ng [adhān ng] mu'adhdhin, magsabi kayo ng tulad ng sinasabi niya. Pagkatapos dumalangin kayo ng basbas para sa akin sapagkat tunay na ang sinumang dumalangin para sa akin ng isang basbas, magbabasbas si Allāh sa kanya dahil doon ng sampung [basbas]. Pagkatapos hilingin ninyo kay Allāh para sa akin ang Kaparaanan sapagkat tunay na ito ay isang katayuan sa Paraiso, na hindi nararapat kundi para sa isang lingkod kabilang sa mga lingkod ni Allāh. Umaasa ako na ako ay maging siya; sapagkat ang sinumang humiling para sa akin ng Kaparaanan, mauukol para sa kanya ang Pamamagitan."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim