Hadith for the World
Ang Ṣalāh

Ang mga Dhikr sa Ṣalāh

15 hadiths

15 hadiths

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nananalangin at nagsasabi: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min `adhābi -lqabri wa-min `adhābi -nnāri wa-min fitnati -lmaḥyā wa-lmamāti wa-min fitnati -lmasīḥi -ddajjāl. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan at laban sa pagdurusa sa Apoy, laban sa ligalig ng buhay at kamatayan, at laban sa ligalig ng Bulaang Kristo.)"} Sa isang pananalita ni Imām Muslim: "Kapag nakatapos ang isa sa inyo sa pagsambit ng Huling Tashahhud, dumalangin siya ng pagkupkop ni Allāh laban sa apat: laban sa pagdurusa sa Impiyerno, laban sa pagdurusa sa libingan, laban sa ligalig ng buhay at kamatayan, at laban sa kasamaan ng Bulaang Kristo."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagsagawa siya ng takbīr sa ṣalāh, ay nanahimik nang saglit bago siya bumigkas. Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sa pamamagitan ng ama ko at ina ko ikaw ay tubusin nawa, nakapansin ka po ba sa pananahimik mo sa pagitan ng takbīr at pagbigkas? Ano po ang sinasabi mo?" Nagsabi siya: "Nagsasabi ako ng: Allāhumma bā`id baynī wa-bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna -lmashriqi wa-lmaghribi. Allāhumma naqqinī mina -lkhaṭāyā kamā yunaqqa -ththawbu -l'abyaḍu mina -ddanas. Allāhumma -ghsilnī min khaṭāyāya bi-lmā'i wa-ththalji wa-lbarad. (O Allāh, magpalayo Ka sa pagitan ko at ng mga kamalian ko kung paanong nagpalayo Ka sa pagitan ng silangan at kanluran. O Allāh, magdalisay Ka sa akin mula sa mga kamalian kung paanong dinadalisay ang puting kasuutan mula sa karumihan. O Allāh, maghugas Ka sa akin mula sa mga kamalian ko ng tubig, niyebe, at yelo.)"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humawak sa kamay nito at nagsabi siya: "O Mu`ādh, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay umiibig sa iyo." Saka nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta sa bawat katapusan ng ṣalāh na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdurraḥmān bin Abī Laylā na nagsabi: {Nakipagtagpo sa akin si Ka`b bin `Ujrah saka nagsabi ito: "Hindi ba ako magreregalo sa iyo ng isang regalo? Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas sa amin saka nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, nakaalam na kami kung papaano kaming babati sa iyo kaya naman papaano kaming dadalangin ng basbas sa iyo?" Nagsabi siya: "Kaya magsabi kayo: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli Muḥammad, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay A-ieshah-malugod si Allah sa kanya -Na ang Sugo ni Allah-Pagplain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsasabi sa pagyuko niya at pagtirapa niya:(( Napaka-Maluwalhati Niya,Napaka-Banal Niya,Panginoon ng mga Anghel at ni Anghel Jibreel))Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Ka`b bin `Ujrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May mga binabalik-balikang hindi nabibigo ang tagapagsabi ng mga ito – o ang tagagawa ng mga ito – sa katapusan ng bawat ṣalāh na iniatas: Tatlumpu't tatlong pagluluwalhati, tatlumpu't tatlong pagpapapuri, at tatlumpu't apat na pagdadakila."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag tumindig noon para sa pagdarasal, ay nagsasabi: "Wajjahtu wajhī lilladhī faṭara -ssamāwāti wa -l'arḍa hanīfan wa mā anā mina -lmushrikīn. Inna ṣalātī wa nusukī wa maḥyāya wa mamātī lillāhi rabbi -l`ālamīna lā sharīka lahu wa bidhālika umirtu wa anā mina -lmuslimīn. Allāhumma anta -lmaliku lā ilāha illa anta, anta rabbī wa anā `abduka, đalamtu nafsī wa`taraftu bidhambī fa-ghfir lī dhunūbī jamī`an, innahu lā yaghfiru -dhdhunūba illā anta, wa -hdinī li'aḥsani -l'akhlāqi, lā yahdī li'aḥsanihā illā anta, wa -ṣrif `annī sayyi'ahā, lā yaṣrifu `annī sayyi'ahā illā anta, labbayka wa sa`dayka, wa -lkhayru kulluhu fī yadayka, wa -shsharru laysa ilayka, anā bika wa ilayka, tabārakta wa ta`ālayta, astaghfiruka wa atūbu ilayka. (Ibinaling ko ang mukha ko sa naglalang ng mga langit at lupa bilang isang makatotoo, at hindi ako kabilang sa mga nagtatambal sa Panginoon. Tunay na ang dasal ko, ang handog ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, walang katambal sa Kanya. Iyon ay ipinag-utos sa akin, at ako ay kabilang sa mga Muslim. O Allāh, Ikaw ang Hari, walang Diyos kundi Ikaw. Ikaw ay Panginoon ko at ako ay lingkod Mo. Lumabag ako sa katarungan sa sarili ko at inamin ko ang pagkakasala ko kaya patawarin Mo ako sa lahat ng mga pagkakasala ko; tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw. Patnubayan Mo ako sa pinakamaganda sa mga kaasalan; walang magpapatnubay sa pinakamaganda sa mga iyon kundi Ikaw. Ilayo Mo sa akin ang masagwa sa mga iyon; walang magpapalayo sa akin sa masagwa sa mga iyon kundi Ikaw. Bilang pagtugon sa Iyo at bilang pagsunod sa Iyo, ang mabuti, lahat ng ito, ay nasa mga kamay Mo. Ang masama ay hindi inuugnay sa Iyo. Ako ay nagagabayan sa pamamagitan Mo at nagpapakanlong sa Iyo. Napakamapagpala Mo at pagkataas-taas Mo. Humihingi ako ng tawad sa Iyo at nagbabalik-loob ako sa Iyo.)" Kapag yumukod siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka raka`tu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, khasha`a laka sam`ī wa baṣarī, wa mukhkhī wa `ađmī wa `aṣabī. (O Allāh sa Iyo ako yumukod, sa Iyo ako sumampalataya, at sa Iyo ako nagpasakop. Nagpakababa sa Iyo ang pandinig ko, ang paningin ko, ang utak ko, ang buto ko, at ang litid ko." Kapag umangat siya, nagsasabi siya: "Allāhumma rabbanā laka -lḥamd, mil'a -ssamāwāti wa mil'a -l'arḍ, wa mil'a mā baynahumā wa mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d. (O Allah, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri, na makapupuno sa mga langit, makapupuno sa lupa, makapupuno sa anumang nasa pagitan ng mga ito, at makapupuno ng anumang bagay na niloob Mo pagkatapos.)" Kapag nagpatirapa siya, nagsasabi siya: "Allāhumma laka sajadtu, wa bika āmantu, wa laka aslamtu, sajada wajhī lillādhī khalaqahu wa ṣawwarahu, wa sḥaqqa sam`ahu wa baṣarahu, tabāraka -llāhu aḥsanu -lkhāliqīn. (O Allāh, sa Iyo ako nagpatirapa, sa Iyo ako sumampalataya, at sa Iyo ako nagpasakop. Nagpatirapa ang mukha ko sa Kanya na lumikha rito, nag-anyo rito, nagbukas sa pandinig at paningin nito. Napakamapagpala ni Allāh, ang pinakamagaling sa mga tagapaglikha.)" Pagkatapos kabilang sa huli sa sinasabi niya sa pagitan ng tashahhud at taslīm: "Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa mā akhkhartu, wa mā asrartu wa mā a`lantu, wa mā asraftu, wa mā anta a`lamu bihi minnī, anta -lmuqaddimu wa anta -lmu'akhkhiru, lā ilāha illā anta. (O Allāh, patawarin Mo ako sa [kasalanang] naunang nagawa ko at nahuling nagawa ko, [kasalanang] inilihim ko at inihayag ko, at [kasalanang] ipinagmalabis at [kasalanang] Ikaw ay higit na nakaaalam doon kaysa sa akin. Ikaw ay ang nagpapauna at Ikaw ay ang nagpapahuli; walang Diyos kundi Ikaw.)"Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Al-Hakam,siya ay nagsabi:Nanatili sa Kufa ang isang lalaking -tinatawag sa pangalang- Zaman Bin Al-Ash-ath, Ipinag-utos niya kay Aba `Ubaydah bin `Abdullah na magdasal sa mga tao,At siya ay nagdarasal,At kapag itinaas niya ang ulo mula sa pagyuko,tumatayo siya sa tagal ng pagsabi ko ng: O Allah! Panginoon namin ang lahat ng papuri ay sa Iyo,napupuno ang langit at napupuno ang kalupaan at napupuno ang anumang ibigin Mo sa anumang bagay pagkatapos nito,Ang karapat-dapat sa pagpuri at pagdakila, Walang nakahahadlang sa anumang ipinagkakaloob mo, At walang nakapagkakaloob sa anumang hinahadlangan mo,At hindi pakikinabangan ng nagmamay-ari ng kayamanan, sa Iyo ang kayamanan [nito],Nagsabi si Al-Hakam: Binanggit ko ito kay `Abdurrahman bin Abe Layla,at siya ay nagsabing: Narinig ko si `Al-Barra`bin A`zib,-na nagsasabing: ((Ang pagdarasal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagyuko niya,[at gayundin] kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,at ang pagpapatirapa niya, At ang pagitan ng dalawang pagpapatirapa niya ay malapit sa pagkakapareho)) Nagsabi si Shu`bah:Binanggit ko ito kay `Amr bin Murrah,at nagsabi siya: Tunay na nakita ko si Ibn Abe Layla,ngunit ang pagdarasal niya ay hindi naging ganoonNagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa: "Allāhumma –ghfir lī, wa-­rḥamnī, wa-`āfinī, wa-­hdinī, wa-­rzuqnī. (O Allāh, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, paligtasin Mo ako, patnubayan Mo ako, at tustusan Mo ako.)"}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Thawbān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nakatapos siya sa pagsasagawa ng ṣalāh niya, ay humihingi ng tawad nang tatlong ulit (istighfār) at nagsasabi ng: "Allāhumma anta –ssalāmu wa-minka –ssalām. Tabārakta yā dha –ljalāli wa-l'ikrām. (O Allāh, Ikaw ang Sakdal at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala Ka, O pinag-uukulan ng pagpipitagan at pagpaparangal.)" Nagsabi si Al-Walīd: "Kaya nagsabi ako kay Al-Awzā`īy: Papaano ang paghingi ng tawad?" Nagsabi ito: "Magsasabi ka ng: Astaghfiru –llah, astaghfiru –llah. (Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh.)"}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagluwalhati kay Allāh sa katapusan ng bawat ṣalāh nang tatlumpu't tatlong ulit, nagpuri kay Allāh nang tatlumpu't tatlong ulit, at nagdakila kay Allāh nang tatlumpu't tatlong ulit, kaya iyon ay siyamnapu't siyam, at nagsabi sa kalubusan ng isang daan ng: "Lā ilāha illa ­-llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu ­-lmulku wa-lahu ­-lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay 'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)," patatawarin ang mga kasalanan niya, kahit pa ang mga ito ay naging tulad [ng dami] ng mga bula ng dagat."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Umāmah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang bumigkas ng Talata ng Kursīy sa katapusan ng bawat ṣalāh na iniatas, walang makakapagpigil sa kanya sa pagpasok sa Paraiso maliban na mamatay siya."}Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā'iy sa Al-Kubrā
Ayon sa Anak ni Abū Awfā (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: Ang Sugo ni Allāh noon, kapag nag-angat siya ng likod niya mula sa pagkakayukod, ay nagsasabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah. Allāhumma, rabbanā, laka –lḥamd, mil'a –ssamāwāti wa-mil'a –l'arḍi wa-mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d. (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya. O Allāh, Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri na kasimpuno ng mga langit, kasimpuno ng lupa, at kasimpuno ng niloob Mo na bagay matapos niyon.)"Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن ابن عمر قال: بينما نحن نصلي مع رسول الله صلى الله عليه وسلم إذ قال رجل من القوم: الله أكبر كبيرًا، والحمد لله كثيرًا، وسبحان الله بكرةً وأصيلًا، فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم: «من القائلُ كلمة كذا وكذا؟» قال رجل من القوم: أنا، يا رسول الله. قال: «عجبتُ لها، فتحت لها أبواب السماء» قال ابن عمر: «فما تركتهن منذ سمعتُ رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول ذلك».رواه مسلم
عن أبي بكر الصديق رضي الله عنه: أنه قال لرسول الله صلى الله عليه وسلم: علمني دعاء أدعو به في صلاتي، قال: "قل: اللهم إني ظلمت نفسي ظلما كثيرا، ولا يغفر الذنوب إلا أنت، فاغفر لي مغفرة من عندك، وارحمني إنك أنت الغفور الرحيم".متفق عليه