Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
Available in 60 languages
«Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagsagawa siya ng takbīr sa ṣalāh, ay nanahimik nang saglit bago siya bumigkas. Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sa pamamagitan ng ama ko at ina ko ikaw ay tubusin nawa, nakapansin ka po ba sa pananahimik mo sa pagitan ng takbīr at pagbigkas? Ano po ang sinasabi mo?" Nagsabi siya: "Nagsasabi ako ng: Allāhumma bā`id baynī wa-bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna -lmashriqi wa-lmaghribi. Allāhumma naqqinī mina -lkhaṭāyā kamā yunaqqa -ththawbu -l'abyaḍu mina -ddanas. Allāhumma -ghsilnī min khaṭāyāya bi-lmā'i wa-ththalji wa-lbarad. (O Allāh, magpalayo Ka sa pagitan ko at ng mga kamalian ko kung paanong nagpalayo Ka sa pagitan ng silangan at kanluran. O Allāh, magdalisay Ka sa akin mula sa mga kamalian kung paanong dinadalisay ang puting kasuutan mula sa karumihan. O Allāh, maghugas Ka sa akin mula sa mga kamalian ko ng tubig, niyebe, at yelo.)"}»Meaning translation ·
Saved at original quality








