Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya):

Available in 54 languages
«Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humawak sa kamay nito at nagsabi siya: "O Mu`ādh, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay umiibig sa iyo." Saka nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta sa bawat katapusan ng ṣalāh na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Humawak ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kamay ni Mu`ādh (malugod si Allāh dito) at nagsabi siya rito: "Sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang umiibig sa iyo at magtatagubilin sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta na magsabi sa wakas ng bawat ṣalāh: "Allāhumma a`innī `alā dhikrika (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo)" sa bawat sinasabi at ginagawang nagpapalapit sa pagtalima. "wa-shukrika ([at] pagpapasalamat sa Iyo)" sa pagkatamo ng mga biyaya at pagkatulak ng mga salot. "wa-ḥusni `ibādatik (at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo)" sa pamamagitan ng pagpapakawagas kay Allāh at sa pakikipagsunuran sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Source
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad
Download image

Saved at original quality