Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ayon kay Abū Umāmah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

Available in 59 languages
«Ayon kay Abū Umāmah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang bumigkas ng Talata ng Kursīy sa katapusan ng bawat ṣalāh na iniatas, walang makakapagpigil sa kanya sa pagpasok sa Paraiso maliban na mamatay siya."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang bumigkas ng Talata ng Kursīy matapos ng pagwawakas ng ṣalāh na isinatungkulin, walang makapipigil sa kanya sa pagpasok sa Paraiso kundi ang kamatayan. Ito ay nasa Sūrah Al-Baqarah, na ang sabi ni Allāh: {Allāhu lā ilāha illā huwa -lḥayyu -lqayyūm. Lā ta'khudhuhū sinatuw wa-lā nawm. Lahū mā fi -ssamāwāti wa-mā fi -l'arḍ. Man dhā -lladhī yashfa`u `indahū illā bi-idhnih. Ya`lamu mā bayna aydīhim wa-mā khalfahum wa-lā yuḥīṭūna bi-shay'im min `ilmihī illā bimā shā '. Wasi`a kursīyuhu -ssamāwāti wa-l'arḍ wa-lā ya'ūduhū hifḍ̆uhumā, wa-huwa -l`alīyu -l`aḍ̆īm. (Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. Walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang *silya Niya sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.)} (Qur'ān 2:255)

Source
Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā'iy sa Al-Kubrā
Download image

Saved at original quality