Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ayon kay Abū Ḥumayd o ayon kay Abū Usayd na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

Available in 62 languages
«Ayon kay Abū Ḥumayd o ayon kay Abū Usayd na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, magsabi siya ng: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo)."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya sa panalangin na sinasabi sa sandali ng pagpasok sa masjid: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kaya naman hihiling siya kay Allāh na maglaan para sa kanya ng mga kadahilanan ng awa Nito. Kapag naman nagnais siyang lumabas, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo). Kaya naman hihiling siya kay Allāh ng kabutihang-loob Nito at dagdag sa paggawa Nito ng maganda sa kanya na panustos na ipinahihintulot.

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality