Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:

Available in 65 languages
«Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking bulag saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na wala akong isang tagaakay na aakay sa akin patungo sa masjid." Kaya humiling ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magpahintulot siya rito para magdasal ito sa bahay nito. Kaya nagpahintulot siya rito ngunit noong nakalisan ito ay tinawag niya ito saka nagsabi siya: "Naririnig mo ba ang panawagan sa pagdarasal?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya tugunin mo."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

May pumuntang isang lalaking bulag sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, wala sa akin ang sinumang makaaalalay sa akin at hahawak sa kamay ko patungo sa masjid sa limang pagdarasal." Nagnanais ito na magpahintulot dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-iwan sa konggregasyon. Nagpahintulot naman siya rito ngunit noong tumalikod ito ay nanawagan siya rito saka nagsabi siya: "Naririnig mo ba ang adhān ng ṣalāh?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya tugunin mo ang tagapanawagan sa ṣalāh."}

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality