Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

Available in 64 languages
«Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang bawat tagapagpalasing ay alak. Ang bawat tagapagpalasing ay bawal. Ang sinumang uminom ng alak sa Mundo saka namatay habang siya ay nasusugapa rito nang hindi nagbalik-loob, hindi siya makaiinom nito sa Kabilang-buhay."»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat nagpapalaho ng isip at nag-aalis nito, iyon ay alak na tagapagpalasing, maging iyon man ay naiinom o nakakain o nasisinghot o iba pa roon. Ang bawat nagpapalasing at nag-aalis ng isip ay ipinagbawal nga ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at sinaway Niya ang kaunti niyon at ang marami niyon. Ang bawat sinumang uminom ng alinmang uri kabilang sa mga uri ng mga tagapagpalasing na iyon, nanatili sa pag-inom nito, at hindi nagbalik-loob mula rito hanggang sa mamatay, siya ay karapat-dapat sa parusa ni Allāh sa pamamagitan ng pagkakait sa kanya ng pag-inom nito sa Paraiso.

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim at nagtala si Imām Al-Bukhārīy ng huling pangungusap mula rito
Download image

Saved at original quality