Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ayon kay Ma`dān bin Abī Ṭalḥah Al-Ya`marīy na nagsabi:

Available in 59 languages
«Ayon kay Ma`dān bin Abī Ṭalḥah Al-Ya`marīy na nagsabi: {Nakatagpo ko si Thawbān na alila ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ako: "Magpabatid ka sa akin hinggil sa isang gawaing gagawin ko, na magpapapasok sa akin si Allāh dahil dito sa Paraiso." O nagsabi ako: "... hinggil sa pinakakaibig-ibig sa mga gawain kay Allāh." Nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya saka nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya sa ikatlong pagkakataon saka nagsabi siya: "Nagtanong ako tungkol doon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: 'Mamalagi ka sa dami ng pagpapatirapa kay Allāh sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagpapatirapa ng isang pagpapatirapa malibang mag-aangat sa iyo si Allāh dahil dito ng isang antas at magbababa Siya buhat sa iyo dahil dito ng isang pagkakamali.'" Nagsabi si Ma`dān: "Pagkatapos nakatagpo ko si Abu Ad-Dardā' saka nagtanong ako sa kanya saka nagsabi naman siya sa akin ng tulad sa sinabi sa akin ni Thawbān."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa gawain na magiging isang kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso o tungkol sa pinakakaibig-ibig sa mga gawain kay Allāh. Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tagapagtanong: "Manatili ka sa dami ng pagpapatirapa sa ṣalāh sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagpatirapa kay Allāh ng isang pagpapatirapa malibang nag-angat Siya sa iyo dahil dito ng isang antas at nagpatawad Siya sa iyo dahil dito ng isang pagkakamali."

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality