Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:

Available in 71 languages
«Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay hindi ang nakikitumbas, bagkus ang nakikipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang taong lubos sa pakikiugnay sa kaanak at paggawa ng maganda sa mga kamag-anak ay hindi ang taong nakikipagtumbasan sa paggawa ng maganda ng paggawa ng maganda; bagkus ang nakikipag-ugnayan sa kaanak nang tunay na lubos sa pakipag-ugnayan sa kaanak ay ang kapag pinutol ang ugnayang pangkaanak sa kanya ay nakikipag-ugnayan [pa rin] siya roon. Kahit pa gumawa sila ng masagwa sa kanya, tunay na siya ay nakikipagtumbasan sa kanila ng paggawa ng maganda sa kanila.

Source
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Download image

Saved at original quality