Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

Available in 70 languages
«Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda (Laylatulqadr) dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna sa pagkakasala niya."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kainaman ng pagdarasal sa Gabi ng Pagtatakda na nangyayari sa huling sampung araw ng Ramaḍān at na ang sinumang nagsumikap sa mga gabing ito sa pagdarasal, panalangin, pagbabasa ng Qur'ān, at pagsambit ng dhikr habang sumasampalataya sa mga ito at sa nasaad kaugnay sa kainaman ng mga ito, habang umaasa sa pamamagitan ng gawa niya sa gantimpala ni Allāh, hindi dala ng pagpapakitang-tao ni pagpaparinig sa tao, tunay na patatawarin sa kanya ang nauna sa mga pagkakasala niya.

Source
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Download image

Saved at original quality