19 hadiths
Ayon kay `Abdullāh bin Salām (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah, napasugod ang mga tao sa dako niya at sinabi: "Dumating ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), dumating ang Sugo ni Allāh, dumating ang Sugo ni Allāh" nang tatlong ulit. Kaya dumating ako sa mga tao upang tumingin. Noong nakaaninag ako sa Mukha niya, nalaman ko na ang mukha niya ay hindi isang mukha ng isang palasinungaling. Ang kauna-unahang bagay na narinig ko na sinalita niya ay na nagsabi siya: "O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, magpakain kayo ng pagkain, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog; papasok kayo sa Paraiso nang may kapayapaan."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nagsagawa siya ng tahajjud sa gabi, ay nagsasabi: "Allāhumma rabbanā, laka -lḥamdu anta qayyimu -ssamāwāti wa -l’arḍ, wa laka -lḥamdu anta rabbu -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fīhinna, wa laka -lḥamdu anta nūru -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fīhinn, anta -lḥaqqu, wa qawluka -lḥaqqu, wa wa`duka -lḥaqqu, wa liqā’uka -lḥaqqu, wa -ljannatu ḥaqqun, wa -nnāru ḥaqqun, wa -ssā`atu ḥaqq; Allāhumma laka aslamtu, wa bika āmantu, wa `alayka tawakkaltu, wa ilayka khāṣamtu, wa bika ḥākamtu, fa-ghfir lī mā qaddamtu, wa mā akhkhartu, wa asrartu, wa a`lantu, wa mā anta a`lamu bihi minnī; lā ilāha illā anta (O Allāh Panginoon namin; ukol sa Iyo ang papuri, Ikaw ay Tagapagpanatili ng mga langit at lupa; ukol sa Iyo ang papuri, Ikaw ay Panginoon ng mga langit at lupa at ng sinumang nasa mga ito; ukol sa Iyo ang papuri, Ikaw ay Liwanag ng mga langit at lupa at ng sinumang nasa mga ito; Ikaw ay ang Totoo, ang sabi Mo ay ang totoo, ang pangako Mo ay ang totoo, ang pagkikipagkita sa Iyo ay ang totoo, ang Paraiso ay totoo, ang Impiyerno ay totoo, at ang Huling Sandali ay totoo; o Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, dahil sa Iyo ako nakipagtalo, at sa Iyo ako nagpahukom, kaya magpatawad Ka sa akin sa anumang [kasalanang] naunang nagawa ko, anumang [kasalanang] nahuling nagawa ko, inilihim ko, inihayag ko, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam hinggil doon kaysa sa akin; walang Diyos kundi Ikaw)."Napagkaisahan ang katumpakan