TL
Ang Ṣalāh ng Pagkukusang-loob
Ang mga Sunnah Rātibah
6 hadiths
Ang Kalamangan ng Ṣalāh ng Pagkukusang-loob
2
Ang mga Sunnah Rātibah
6
Ang Qiyāmullayl
19
Ang Ṣalāh ng Dalawang `Īd
1
Ang Ṣalāh ng Ḍuḥā
1
Ang Ṣalāh ng Istikhārah (Paghiling ng Makabubuti)
1
6 hadiths
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anumang kabilang sa mga pagsambang kinukusang-loob ay hindi naging higit na matindi sa pangangalaga kaysa sa dalawang rak`ah na dasal sa madaling-araw."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Hafsah, malugod si Allah sa kanya.((Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagdadasal ng dalawang tindig na magaan pagkatapos ng pagsikat ng Bukang-liwayway)) at sa isang salaysay: Bago iganap ang pagtindig sa dasal
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nag-iiwan noon ng apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at ng dalawang rak`ah bago ng madaling-araw.}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Ummu Ḥabībah (malugod si Allāh sa kanya) na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nangalaga sa apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at apat na rak`ah matapos nito, magkakait sa kanya si Allāh sa Impiyerno."}
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Ayon kay 'Āishah malugod si Alla sa kanya-Nagsabi siya:(( Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag natapos ang Nagtatawag ng Āzān sa unang beses mula sa dasal ng Fajr,titindig siya,at yuyuko sa dalawang tindig na magaan bago ang dasal ng Fajr,pagkatapos na maging hayag (tiyak) ang dasal ng Fajr,pagkatapos ay hihiga siya banda nitong kanan,hanggang sa dumating sa kanya ang nagtatawag ng Azan upang itindig ang dasal.
Napagkaisahan ang katumpakan
عن النعمان بن سالم عن عمرو بن أوس عن عنبسة بن أبي سفيان عن أم حبيبة زوج النبي صلى الله عليه وسلم أنها قالت: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «ما من عبد مسلم يصلي لله كل يوم ثنتي عشرة ركعةً تطوعًا غير فريضة إلا بنى الله له بيتًا في الجنة، أو إلا بني له بيت في الجنة» قالت أم حبيبة: فما برحت أصليهن بعد. وقال عمرو: ما برحت أصليهن بعد. وقال النعمان مثل ذلك.
رواه مسلم