1 hadiths
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtuturo sa amin ng istikhārah sa lahat ng mga gawain kung paanong nagtuturo siya sa amin ng sūrah mula sa Qur'ān. Nagsasabi siya: "Kapag nagbalak ang isa sa inyo ng isang bagay, magdasal siya ng dalawang rak`ah na hindi tungkulin. Pagkatapos magsabi siya: Allāhumma innī astakhīruka bi-`ilmika, wa-astaqdiruka bi-qudratik, wa-as'aluka min faḍlika -l`aḍ̆īm, fa-innaka taqdiru wa-lā aqdir, wa-ta`lamu wa-lā a`lam, wa anta `allāmu -lghuyūb. Allāhumma in kunta ta`lamu anna hādha -l'amra khayrun lī fī dīnī wa-ma`āshī wa-`āqibati amrī," – o nagsabi siya: "`ājili amrī wa-ājilihi" – "fa-qdurhu lī wa yassirhu lī, thumma bārik lī fīhi, wa-in kunta ta`lamu anna hādha -l'amra sharrun lī fī dīnī wa ma`āshī wa-`āqibati amrī," – o nagsabi siya: "fī `ājili amrī wa-ājilihi" – "fa-ṣrifhu `annī wa-ṣrifnī `anhu, wa-qdur liya -lkhayra ḥaythu kāna thumma arḍinī bih. (O Allāh, sumasangguni ako sa Iyo sa pamamagitan ng kaalaman Mo. Nagpapakaya ako sa Iyo sa pamamagitan ng kakayahan Mo. Humihingi ako mula sa kabutihang-loob Mo na sukdulan sapagkat tunay na Ikaw ay nakakakaya, samantalang hindi ako nakakakaya, at nakaaalam, samantalang hindi ako nakaaalam. Ikaw ay ang Palaalam sa mga nakalingid. O Allāh, kung nakaaalam Ka na ang balak na ito ay mabuti para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko, at kahihinatnan ng balak ko," – o nagsabi siya: "maaga sa balak ko at huli sa balak ko" – "magtakda Ka nito para sa akin at magpagaan Ka nito para sa akin, pagkatapos magpala Ka para sa akin dito. Kung nakaaalam Ka na ang balak na ito ay masama para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko, – o nagsabi siya: "sa maaga sa balak ko at huli sa balak ko" – "magbaling Ka rito palayo sa akin, magbaling Ka sa akin palayo rito, at magtakda Ka nito para sa akin ng mabuti saanman ito naging, pagkatapos magpalugod Ka sa akin.)" Nagsabi siya: "At babanggit siya ng kailangan niya."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy