Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito
Available in 17 languages
«Ayon kina `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, at Al-Mughīrah bin Shu`bah, malugod si Allāh sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay [matagal] nagdarasal noon sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi ako sa kanya: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na si Allah sa iyo sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya: "Kaya hindi ko ba iibiging ako ay maging isang lingkod na mapagpasalamat?"»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagdarasal noon ng [mahabang] tahajjud sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi sa kanya si `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, sa pag-aakalang sumasamba lamang siya kay Allah dahil sa pangamba sa pagkakasala at paghingi ng kapatawaran at awa gayong naisakatuparan na para sa kanya ang pagpapatawad ni Allah, pagkataas-taas Niya, kaya naman hindi na siya nangangailangan niyon: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na sa iyo si Allah sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya rito: "Kaya hindi pa ba ako magiging isang lingkod na mapagpasalamat sapagkat ang pagsambang ito, ang dahilan nito ay ang pagpapasalamat sa kapatawaran."

Source
Napagkaisahan ang katumpakan
Download image

Saved at original quality