Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ayon kay Zuhayr bin `Umārah bin Ru’aybah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

Available in 54 languages
«Ayon kay Zuhayr bin `Umārah bin Ru’aybah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang lulusot sa Impiyerno na isang nagdarasal bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpapabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang papasok sa Impiyerno na isang nagdarasal ng ṣalāh sa madaling-araw at ṣalāh sa hapon at nagpapamalagi sa dalawang ito. Nag-udyok siya sa dalawang ṣalāh dahil ang dalawang ito ay ang pinakamabigat sa mga ṣalāh at dahil ang oras ng madaling-araw ay nasa sandali ng pagtulog at kasarapan nito at ang oras ng hapon naman ay nasa sandali ng kaabalahan sa mga trabaho ng maghapon at kalakalan dito. Ang sinumang nangalaga sa dalawang ṣalāh na ito kasama ng pagkakaroon ng hirap ay mangangalaga sa natitira sa mga ṣalāh.

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality