Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

Available in 60 languages
«Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi kayo papasok sa Paraiso hanggang sa sumampalataya kayo at hindi kayo sumampalataya hanggang sa mag-ibigan kayo. Hindi ba ako magtuturo sa inyo ng isang bagay na kapag ginawa ninyo ito ay mag-iibigan kayo? Ipalaganap ninyo ang [pagbati ng] salām sa pagitan ninyo."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang papasok sa Paraiso kundi ang mga mananampalataya at hindi nakukumpleto ang pananampalataya at hindi umaayos ang kalagayan ng lipunang Muslim hanggang sa umibig ang isa't isa sa kanila. Pagkatapos gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa pinakamainam sa mga bagay-bagay na sa pamamagitan ng mga ito iiral sa lahat ang pag-ibig. Ito ay ang pagpapalaganap ng pagbati ng salām sa pagitan ng mga Muslim, na ginawa ni Allāh bilang pagbati ng mga lingkod Niya.

Source
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Download image

Saved at original quality