Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Pinaniniwalaan

Ayon kay Sufyān bin `Abdillāh Ath-Thaqafīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:

Available in 65 languages
«Ayon kay Sufyān bin `Abdillāh Ath-Thaqafīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo, ni Allāh, magsabi ka sa akin kaugnay sa Islām ng isang masasabing hindi ako makapagtatanong tungkol doon sa isang iba pa sa iyo." Nagsabi siya: "Magsabi ka: Sumampalataya ako kay Allāh, pagkatapos magpakatuwid ka."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Humiling ang Kasamahang si Sufyān bin `Abdillāh Ath-Thaqafīy (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magturo ito sa kanya ng isang masasabing tagatipon ng mga kahulugan ng Islām, na panghahawakan niya at hindi niya maitatanong sa iba pa sa kanya. Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Sabihin mo: Naniniwala ako sa kaisahan ni Allāh at sumampalataya ako na Siya ay ang Panginoon ko, ang Diyos ko, ang Tagalikha ko, at ang totoong sinasamba ko – walang katambal sa Kanya. Pagkatapos magpapaakay siya sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagganap sa mga tungkulin kay Allāh at pagwaksi sa mga ipinagbabawal ni Allāh at magpapatuloy siya sa mga ito.

Source
Nagsalaysay nito sina Imām Muslim at Imām Aḥmad
Download image

Saved at original quality