TL
Ang mga Pampalambot-puso at ang mga Pangaral
Ang Pagdadalisay sa mga Kaluluwa
9 hadiths
Ang mga Gawain ng mga Puso
14
Ang Pagwawalang-bahala at ang Pag-iwas sa Kamunduhan
2
Ang mga Kalagayan ng mga Taong Maayos
4
Ang Pagpula sa mga Pagsuway
6
Ang Pagpula sa Pag-ibig sa Kamunduhan
8
Ang Pagpula sa Pithaya at mga Nasa
1
Ang Pagbabalik-loob
3
Ang Pagdadalisay sa mga Kaluluwa
9
Ang mga Katangian ng Paraiso at Impiyerno
17
9 hadiths
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi natitigil ang pagsubok sa lalaking mananampalataya at babaing mananampalataya sa sarili niya, anak niya, at yaman niya, hanggang sa makitagpo siya kay Allāh habang sa kanya ay walang kasalanan."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad
Ayon kay Ṣuhayb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Paghanga ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyan ay hindi ukol sa isa man kundi sa mananampalataya. Kung may dumapo sa kanya na kariwasaan, nagpapasalamat siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya; at kung may dumapo sa kanya na kariwaraan, nagtitiis siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Humawak ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kasukasuan ng balikat ko saka nagsabi siya: "Ikaw sa Mundo ay maging para bang ikaw ay isang estranghero o isang tumatawid sa landas." Ang Anak ni `Umar noon ay nagsasabi: "Kapag ginabi ka, huwag mong hintayin ang umaga; at kapag inumaga ka, huwag mong hintayin ang gabi. Kumuha ka mula sa kalusugan mo para sa pagkakasakit mo at mula sa buhay mo para sa kamatayan mo."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mag-inggitan. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag kayong magmuhian. Huwag kayong magtalikuran. Huwag magtinda ang ilan sa inyo bilang panunulot sa pagtitinda ng iba pa. Maging mga lingkod kayo ni Allāh bilang magkakapatid. Ang Muslim ay kapatid ng Muslim. Hindi siya nang-aapi nito. Hindi siya nagkakanulo nito. Hindi siya nanghahamak nito. Ang pangingilag magkasala ay narito." Tumuturo siya sa dibdib niya nang tatlong ulit. "Nasa kasapatan sa isang tao bilang kasamaan na manghamak siya ng kapatid niyang Muslim. Ang lahat sa Muslim sa kapwa Muslim ay bawal labagin: ang dugo niya, ang ari-arian niya, at ang dangal niya."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tumingin kayo sa sinumang nasa ibaba mula sa inyo at huwag kayong tumingin sa sinumang siya ay nasa itaas ninyo sapagkat iyon ay higit marapat na hindi kayo manlait sa biyaya ni Allāh sa inyo."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May dalawang biyaya na nagulangan sa dalawang ito ang marami sa mga tao: ang kalusugan at ang kawalang-gawain."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Mālik Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Sufyān bin `Abdillāh Ath-Thaqafīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo, ni Allāh, magsabi ka sa akin kaugnay sa Islām ng isang masasabing hindi ako makapagtatanong tungkol doon sa isang iba pa sa iyo." Nagsabi siya: "Magsabi ka: Sumampalataya ako kay Allāh, pagkatapos magpakatuwid ka."}
Nagsalaysay nito sina Imām Muslim at Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May pitong maglililim sa kanila si Allāh (napakataas Siya) sa lilim Niya sa araw na walang lilim kundi ang lilim Niya: isang pinunong makatarungan; isang binatang lumaki sa pagsamba kay Allāh; isang lalaking ang puso niya ay pinahumaling sa mga masjid; dalawang taong nag-iibigan alang-alang kay Allāh, na nagtitipon para sa Kanya at naghihiwalay para sa Kanya; isang lalaking inanyayahan ng isang babaing may katungkulan at karikitan ngunit nagsabi siya: Tunay na ako ay nangangamba kay Allāh; isang taong nagkawanggawa ng isang kawanggawa saka nagkubli niyon hanggang sa hindi makaalam ang kaliwa niya sa ginugugol ng kanan niya; at isang taong nakaalaala kay Allāh nang nag-iisa saka nag-umapaw ang mga mata niya [sa luha]."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito