Hadith for the World
Ang mga Pampalambot-puso at ang mga Pangaral

Ang Pagpula sa mga Pagsuway

6 hadiths

6 hadiths

Ayon kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magbabalita sa inyo ng pinakamalaki sa malalaking kasalanan?" nang makatatlo. Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh at ang kasutilan sa mga magulang." Umupo siya. Siya kanina ay nakasandal, saka nagsabi siya: "Pansinin, ang pagsasabi ng kabulaanan." Hindi siya tumigil na nag-uulit-ulit niyon hanggang sa nagsabi kami na kung sana siya ay natahimik na.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang malalaking kasalanan ay ang pagtatambal kay Allāh, ang kasutilan sa mga magulang, ang pagpatay ng buhay, at ang panunumpang mapagpalublob."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang paghahalintulad lamang sa kapisang maayos at kapisan ng kasagwaan ay gaya ng tagalako ng pabangong musk at tagaihip ng bubulusan. Ang tagalako ng musk ay maaari na mag-aginaldo sa iyo, maaari na bumili ka mula sa kanya, at maaari na makaamoy ka mula sa kanya ng isang kaaya-ayang halimuyak samantalang ang tagaihip ng bubulusan ay maaari na makasunog ng mga damit mo at maaari na makaamoy ka ng isang karima-rimarim na halimuyak."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Umiwas kayo sa pitong tagapagpasawi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang mga ito?" Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh, ang panggagaway, ang pagpatay sa kaluluwang ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa katwiran, ang pagkain ng patubo, ang pagkain ng yaman ng ulila, ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paninirang-puri sa mga malinis na nakapag-asawang babae, na mga mananampalataya, na mga inosente."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang lahat ng kalipunan ko ay mapagpapaumanhinan maliban sa mga naglalantad [ng kasalanan]. Tunay na kabilang sa paglalantad [ng kasalanan] na gumawa ang tao sa gabi ng isang [masamang] gawain pagkatapos magpaumaga siya habang napagtakpan na siya ni Allāh roon saka magsabi naman siya: 'O Polano, nakagawa ako kahapon ng ganito at gayon,' habang nagpamagdamag nga siya habang napagtakpan na siya ng Panginoon niya at mag-uumaga siya na magbubunyag ng pinagtakpan ni Allāh sa kanya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن أبي هريرة عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «لعن الله السارق، يسرق البَيْضَةَ فَتُقْطَعُ يده، ويسرِقُ الحَبْلَ فَتُقْطَعُ يَدُهُ».متفق عليه