Hadith for the World
Ang mga Pampalambot-puso at ang mga Pangaral

Ang mga Gawain ng mga Puso

14 hadiths

14 hadiths

Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Huling Sandali sapagkat nagsabi ito: "Kailan po ang Huling Sandali?" Nagsabi siya: "At ano ang inihanda mo para rito?" Nagsabi ito: "Walang anuman maliban na ako ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsabi naman siya: "Ikaw ay kasama ng sinumang inibig mo."} Nagsabi si Anas: {Kaya hindi kami natuwa sa anuman gaya ng pagkatuwa namin sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ikaw ay kasama ng sinumang inibig mo."} Nagsabi si Anas: {Ako ay umiibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kina Abū Bakr at `Umar at umaasa ako na ako ay maging kasama sa kanila dahil sa pag-ibig ko sa kanila, kahit hindi ako nakagawa ng tulad sa mga gawa nila.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng pagtatambal niya."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), tatlong araw bago ng pagpanaw niya, na nagsasabi: "Huwag ngang mamamatay ang isa sa inyo malibang habang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay An-Nawās bin Sam`ān Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagsasamabuting-loob at kasalanan, kaya nagsabi siya: "Ang pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng asal. Ang kasalanan ay ang anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid niyon ang mga tao."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay hindi tumitingin sa mga anyo ninyo ni sa mga ari-arian ninyo subalit tumitingin Siya sa mga puso ninyo at mga gawa ninyo."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay ayon sa layunin lamang. Ukol sa tao ang nilayon niya lamang. Kaya ang sinumang ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang ang paglikas niya ay para sa isang kamunduhan na tatamuhin niya o isang babaing pakakasalan niya, ang paglikas niya ay tungo sa inilikas niya."} Sa pananalita ni Imām Al-Bukhārīy: "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. ..."Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mananampalatayang malakas ay higit na mabuti at higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mananampalatayang mahina. Sa bawat kabutihan, magsigasig ka sa magpapakinabang sa iyo, magpatulong ka kay Allāh, at huwag kang panghinaan. Kung may tumama sa iyo na anuman ay huwag kang magsabi: 'Kung sakaling ako ay gumawa ng ganito, naging ganito at ganito sana,' subalit magsabi ka: 'Ang pagtatakda ni Allāh at ang anumang niloob Niya ay ginawa Niya,' sapagkat tunay na [ang katagang] 'kung sakali' ay nagbubukas sa gawain ng demonyo."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Iyāḍ bin Ḥimār na kapatid ng Angkan ng Mujāshi` (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw bilang isang mananalumpati saka nagsabi siya: (Binanggit ang ḥadīth at nasaad dito): "Tunay na si Allāh ay nagkasi sa akin na magpakumbaba kayo nang sa gayon walang magmayabang na isa man sa isa at walang lumabag na isa man laban sa isa."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa magulang niya, anak niya, at mga tao sa kalahatan."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن أبي هريرة رضي الله عنه عن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «النَّاسُ مَعَادِن كَمَعَادِن الذَّهَب وَالفِضَّة، خِيَارُهُم فِي الجَاهِلِيَّة خِيَارُهُم فِي الإِسْلاَم إِذَا فَقُهُوا، والأَرْوَاحُ جُنُودٌ مُجَنَّدَة، فَمَا تَعَارَفَ مِنْهَا ائتَلَفَ، وَمَا تَنَاكَرَ مِنْهَا اخْتَلَفَ». وعن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله -صلى الله عليه وسلم: «تَجِدُون النَّاسَ مَعَادِن: خِيَارُهُم فِي الجَاهِليَّة خِيَارُهُم فِي الإِسْلاَم إِذَا فَقِهُوا، وَتَجِدُون خِيَار النَّاس فِي هَذَا الشَّأْن أَشَدُّهُم كَرَاهِيَة لَه، وَتَجِدُون شَرَّ النَّاس ذَا الوَجْهَين، الَّذِي يَأْتِي هَؤُلاَء بِوَجه، وَهَؤُلاَء بِوَجْه».الحديث الأول: متفق عليه، ولفظه لمسلم؛ وروى البخاري أوله، وروى آخره عن عائشة -رضي الله عنها-. الحديث الثاني: متفق عليه
Ayon kay 'Abdullāh bin 'Ukaym-malugod si Allāh sa kanya-Hadith na marfū: "Sinuman ang manalig sa isang bagay,ipapaubaya siya rito"Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
عن ابن عباس حسبنا الله ونعم الوكيل: «قالها إبراهيم عليه السلام حين أُلقي في النار، وقالها محمد صلى الله عليه وسلم حين قالوا: {إن الناس قد جمعوا لكم فاخشوهم فزادهم إيمانا، وقالوا: حسبنا الله ونعم الوكيل} [آل عمران: 173]».رواه البخاري
عن جابر قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: «إذا قضى أحدكم الصلاة في مسجده فليجعل لبيته نصيبًا من صلاته، فإن الله جاعلٌ في بيته من صلاته خيرًا».رواه مسلم
Ayon kay Ummu Salamah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya), na siya ay nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang anumang Muslim na may tumama sa kanya na isang kasawiang-palad saka nagsasabi siya ng ipinag-utos sa kanya ni Allāh: {Innā lillāhi wa-inna ilayhi rāji`ūn. (Tunay na kami ay kay Allāh at tunay na kami ay tungo sa Kanya mga babalik.)} (Qur'ān 2:156) [at] “Allāhumma -'jirnī fī muṣībatī wa-akhlif lī khayram minhā. (O Allāh, magpabuya Ka sa akin sa kasawiang-palad ko at magpahalili Ka para sa akin ng higit na mabuti kaysa rito.)"} malibang magpapahalili si Allāh para sa kanya ng higit na mabuti kaysa rito."} Nagsabi siya: {Kaya noong namatay si Abū Salamah, nagsabi ako: "Alin sa mga Muslim ang higit na mabuti kay Abū Salamah, na kauna-unahang sambahayan na lumikas sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?" Pagkatapos tunay na ako ay nagsabi nito, kaya nagpahalili si Allāh para sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).}Nagsalaysay nito si Imām Muslim