TL
Ang mga Pampalambot-puso at ang mga Pangaral
Ang Pagbabalik-loob
3 hadiths
Ang mga Gawain ng mga Puso
14
Ang Pagwawalang-bahala at ang Pag-iwas sa Kamunduhan
2
Ang mga Kalagayan ng mga Taong Maayos
4
Ang Pagpula sa mga Pagsuway
6
Ang Pagpula sa Pag-ibig sa Kamunduhan
8
Ang Pagpula sa Pithaya at mga Nasa
1
Ang Pagbabalik-loob
3
Ang Pagdadalisay sa mga Kaluluwa
9
Ang mga Katangian ng Paraiso at Impiyerno
17
3 hadiths
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Talagang si Allāh ay higit na masaya sa pagbabalik-loob ng lingkod Niya kaysa sa isa inyo na nakasumpong sa kamelyo niya noong naiwala niya ito sa lupang disyerto." Sa isang sanaysay: "Talagang si Allāh ay higit na matindi sa tuwa sa pagbabalik-loob ng lingkod Niya nang nagbabalik-loob ito sa Kanya kaysa sa isa sa inyo na lulan dati ng sasakyang kamelyo nito sa lupang disyerto ngunit nakawala iyon mula rito. Lulan niyon ang pagkain niya at inumin niya kaya nawalan siya ng pag-asa roon. Pumunta siya sa isang punong-kahoy at nahiga sa lilim niyon. Nawalan na siya ng pag-asa sa sasakyang kamelyo niya ngunit habang siya ay gayon, biglang siya ay kasama niyon habang nakatayo sa tabi niya. Kinuha niya ang renda niyon. Pagkatapos ay nagsabi dahil sa tindi ng tuwa: "O Allāh, Ikaw ay alipin ko at ako ay Panginoon Mo!" Nagkamali siya dahil sa tindi ng tuwa.
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nag-aabot ng kamay Niya sa gabi upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa maghapon at nag-aabot ng kamay Niya sa maghapon upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa gabi, hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya.-Hadith na marfu : ((Ang lahat ng anak ni Adan ay nagkakamali at ang pinakamainam sa mga nagkakamali ay yaong nagbabalik-loob))
Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy