TL
Ang mga Pampalambot-puso at ang mga Pangaral
Ang Pagpula sa Pag-ibig sa Kamunduhan
8 hadiths
Ang mga Gawain ng mga Puso
14
Ang Pagwawalang-bahala at ang Pag-iwas sa Kamunduhan
2
Ang mga Kalagayan ng mga Taong Maayos
4
Ang Pagpula sa mga Pagsuway
6
Ang Pagpula sa Pag-ibig sa Kamunduhan
8
Ang Pagpula sa Pithaya at mga Nasa
1
Ang Pagbabalik-loob
3
Ang Pagdadalisay sa mga Kaluluwa
9
Ang mga Katangian ng Paraiso at Impiyerno
17
8 hadiths
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang Mundo ay matamis na luntian at tunay na si Allāh ay nagsasakahalili sa inyo rito, kaya tumitingin Siya kung papaano kayong gumagawa. Kaya mangilag kayong magkasala sa Mundo at mangilag kayo sa mga babae sapagkat tunay na ang unang tukso sa mga anak ni Israel ay sa mga babae."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Mundo ay bilangguan ng mananampalataya at Paraiso ng tagatangging sumampalataya."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy, malugod si Allah sa kanya: "Kung nagkataong ang mundo ay nakakatumbas sa ganang kay Allah ng isang pakpak ng lamok, hindi na sana Siya nagpainom sa isang tumatangging sumampalataya mula roon ng isang inom ng tubig."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: "Sinusundan ang patay ng tatlo: ng mag-anak niya, ng yaman niya, at ng gawa niya. Uuwi ang dalawa at maiiwan ang isa. Uuwi ang mag-anak niya at ang yaman niya, at maiiwan ang gawa niya."
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung sakaling nagkaroon ang anak ni Adan ng dalawang lambak ng yaman, talaga sanang naghangad siya ng ikatlong lambak. Hindi nakapupuno sa sikmura ng anak ni Adan kundi ang alabok. Tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Khawlah Al-Anṣārīyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na may mga lalaking gumugugol sa yaman ni Allāh nang walang katarungan kaya ukol sa kanila ang Impiyerno sa Araw ng Pagbangon."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nagtagumpay nga ang sinumang umanib sa Islām at tinustusan ng kasapatan. Nagbigay-kasiyahan sa kanya si Allāh sa pamamagitan ng ibinigay sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Hindi natitigil ang puso ng matanda [sa pagiging] binata sa dalawa: sa pag-ibig sa Mundo at haba ng pag-asa."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy