TL
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan
Ang mga Pampalambot-puso at ang mga Pangaral
63 hadiths
Ang mga Gawain ng mga Puso
14
Ang Pagwawalang-bahala at ang Pag-iwas sa Kamunduhan
2
Ang mga Kalagayan ng mga Taong Maayos
4
Ang Pagpula sa mga Pagsuway
6
Ang Pagpula sa Pag-ibig sa Kamunduhan
8
Ang Pagpula sa Pithaya at mga Nasa
1
Ang Pagbabalik-loob
3
Ang Pagdadalisay sa mga Kaluluwa
9
Ang mga Katangian ng Paraiso at Impiyerno
17
63 hadiths
Ayon kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magbabalita sa inyo ng pinakamalaki sa malalaking kasalanan?" nang makatatlo. Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh at ang kasutilan sa mga magulang." Umupo siya. Siya kanina ay nakasandal, saka nagsabi siya: "Pansinin, ang pagsasabi ng kabulaanan." Hindi siya tumigil na nag-uulit-ulit niyon hanggang sa nagsabi kami na kung sana siya ay natahimik na.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Na ang isang lalaki ay nasa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dumaan sa kanya ang isang lalaki,Nagsabi siya : O Sugo ni Allah,Tunay na iniibig ko [ang lalaking] iyan,Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ipinag-bigay alam moba ito sa kanya?)) Nagsabi siya: Hindi,Nagsabi siya [Ang Propeta]: ((Ipagbigay-alam mo ito sa kanya)),Nakasalubong niya ito at sinabi niya [sa kanya]:Tunay na iniibig kita para kay Allah,Nagsabi siya: Iniibig din kita dahil sa pag-ibig mo sa akin para sa Kanya.
Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abe Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Kabilang sa pagdadakila kay Allah-Pagkataas-taas Niya:Ay ang paggalang sa matandang muslim,at sa nakapag-saulo ng Qur-an na hindi nagmamalabis dito,at [hindi] naglikas sa [pagbabasa] nito,at paggalang sa isang pinunong makatarungan))
Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang malalaking kasalanan ay ang pagtatambal kay Allāh, ang kasutilan sa mga magulang, ang pagpatay ng buhay, at ang panunumpang mapagpalublob."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang Mundo ay matamis na luntian at tunay na si Allāh ay nagsasakahalili sa inyo rito, kaya tumitingin Siya kung papaano kayong gumagawa. Kaya mangilag kayong magkasala sa Mundo at mangilag kayo sa mga babae sapagkat tunay na ang unang tukso sa mga anak ni Israel ay sa mga babae."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa:Hadith na Marfu: ((Hindi kabilang sa amin ang sinumang hindi naaawa sa mga maliliit sa amin,at [hindi niya] alam ang karangalan ng matatanda sa amin))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Huling Sandali sapagkat nagsabi ito: "Kailan po ang Huling Sandali?" Nagsabi siya: "At ano ang inihanda mo para rito?" Nagsabi ito: "Walang anuman maliban na ako ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsabi naman siya: "Ikaw ay kasama ng sinumang inibig mo."} Nagsabi si Anas: {Kaya hindi kami natuwa sa anuman gaya ng pagkatuwa namin sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ikaw ay kasama ng sinumang inibig mo."} Nagsabi si Anas: {Ako ay umiibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kina Abū Bakr at `Umar at umaasa ako na ako ay maging kasama sa kanila dahil sa pag-ibig ko sa kanila, kahit hindi ako nakagawa ng tulad sa mga gawa nila.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang paghahalintulad lamang sa kapisang maayos at kapisan ng kasagwaan ay gaya ng tagalako ng pabangong musk at tagaihip ng bubulusan. Ang tagalako ng musk ay maaari na mag-aginaldo sa iyo, maaari na bumili ka mula sa kanya, at maaari na makaamoy ka mula sa kanya ng isang kaaya-ayang halimuyak samantalang ang tagaihip ng bubulusan ay maaari na makasunog ng mga damit mo at maaari na makaamoy ka ng isang karima-rimarim na halimuyak."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi natitigil ang pagsubok sa lalaking mananampalataya at babaing mananampalataya sa sarili niya, anak niya, at yaman niya, hanggang sa makitagpo siya kay Allāh habang sa kanya ay walang kasalanan."}
Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad
Ayon kay Ṣuhayb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Paghanga ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyan ay hindi ukol sa isa man kundi sa mananampalataya. Kung may dumapo sa kanya na kariwasaan, nagpapasalamat siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya; at kung may dumapo sa kanya na kariwaraan, nagtitiis siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Umiwas kayo sa pitong tagapagpasawi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang mga ito?" Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh, ang panggagaway, ang pagpatay sa kaluluwang ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa katwiran, ang pagkain ng patubo, ang pagkain ng yaman ng ulila, ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paninirang-puri sa mga malinis na nakapag-asawang babae, na mga mananampalataya, na mga inosente."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng pagtatambal niya."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay `Ubādah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang sumaksi na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: nang walang katambal sa Kanya; na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya; na si Jesus ay lingkod ni Allāh, sugo Niya, salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu mula sa Kanya; at [sumaksi na] ang Paraiso ay totoo at ang Impiyerno ay totoo; magpapapasok sa kanya si Allāh sa Paraiso ayon sa anumang [nasa kanya] na gawa."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Mu`ādh bin Jabal, malugod si Allah sa kanya.Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagsabi:((Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan siya at Kapita-pitagan-Ang mga Nagmamahalan sa Kadakilaan ko,Sa kanila ay may matataas na antas mula sa liwanag,Kina-iinggitan sila ng mga Propeta at ng mga Martir.))
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon sa Anak ni Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Paraiso ay higit na malapit sa [bawat] isa sa inyo kaysa sa panali ng sandalyas niya at ang Impiyerno ay tulad niyon."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Mundo ay bilangguan ng mananampalataya at Paraiso ng tagatangging sumampalataya."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na sa Paraiso ay may isandaang antas na inihanda ni Allah para sa mga nakikibaka sa landas Niya, na ang pagitan ng dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit at lupa."
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy, malugod si Allah sa kanya: "Kung nagkataong ang mundo ay nakakatumbas sa ganang kay Allah ng isang pakpak ng lamok, hindi na sana Siya nagpainom sa isang tumatangging sumampalataya mula roon ng isang inom ng tubig."
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang lahat ng kalipunan ko ay mapagpapaumanhinan maliban sa mga naglalantad [ng kasalanan]. Tunay na kabilang sa paglalantad [ng kasalanan] na gumawa ang tao sa gabi ng isang [masamang] gawain pagkatapos magpaumaga siya habang napagtakpan na siya ni Allāh roon saka magsabi naman siya: 'O Polano, nakagawa ako kahapon ng ganito at gayon,' habang nagpamagdamag nga siya habang napagtakpan na siya ng Panginoon niya at mag-uumaga siya na magbubunyag ng pinagtakpan ni Allāh sa kanya."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), tatlong araw bago ng pagpanaw niya, na nagsasabi: "Huwag ngang mamamatay ang isa sa inyo malibang habang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "O Abū Sa`īd, ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta, nagindapat para sa kanya ang Paraiso." Kaya nagtaka rito si Abū Sa`īd saka nagsabi ito: "Ulitin mo po iyan sa akin, O Sugo ni Allāh." Kaya ginawa niya, pagkatapos nagsabi siya: "May iba pang iaangat sa pamamagitan nito ang tao ng isandaang antas sa Paraiso, na ang pagitan ng bawat dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa." Nagsabi ito: "Ano po ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh, ang pakikibaka sa landas ni Allāh."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: "Sinusundan ang patay ng tatlo: ng mag-anak niya, ng yaman niya, at ng gawa niya. Uuwi ang dalawa at maiiwan ang isa. Uuwi ang mag-anak niya at ang yaman niya, at maiiwan ang gawa niya."
Napagkaisahan ang katumpakan
Mula kay Anas Bin Malik -Malugod ang Allah sa kanya- Marfuw'an: ((Bibigyan ang pinaka-mapalad na tao sa mundo na kabilang sa mga taga-impyerno sa Araw ng Pagkabuhay, at ilulubog siya sa impyerno ng paglubog, at saka sasabihan: O anak ni Adam, nakakita ka ba ng kabutihan? dumaan na ba sa iyo ang lubos na kaligayahan? at ang sabi: Hindi sumpa man sa Allah o Diyos ko, at bibigyan ang taong pinakamatinding paghihirap sa mundo na kabilang sa mga taga-paraiso, at ilulubog siya sa paraiso ng paglubog, at sasabihin sa kanya: O anak ni Adam, nakakita ka ba ng paghihirap? dumaan na ba sa iyo ang karahasan? at ang sabi niya: Hindi sumpa man sa Allah, hindi dumaan sa akin ang paghihirap ni hindi ko nakita ang karahasan)).
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay An-Nawās bin Sam`ān Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagsasamabuting-loob at kasalanan, kaya nagsabi siya: "Ang pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng asal. Ang kasalanan ay ang anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid niyon ang mga tao."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Page 1 of 3
Next page