Hadith for the World
Ang Pinaniniwalaan

Ang Pananampalataya sa Pagtatadhana at Pagtatakda

8 hadiths

8 hadiths

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi natitigil ang pagsubok sa lalaking mananampalataya at babaing mananampalataya sa sarili niya, anak niya, at yaman niya, hanggang sa makitagpo siya kay Allāh habang sa kanya ay walang kasalanan."}Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Na siya ay nagsabi kay `Aṭā' bin Abī Rabāḥ: "Magpapakita ba ako sa iyo ng isang babaing kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso?" Nagsabi ako: "Oo naman." Nagsabi siya: "Ang maitim na babaing ito ay dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsabi ito: "Tunay na ako ay sinasaniban [ng jinn] at tunay na ako ay napabubuyangyang, kaya manalangin ka kay Allāh para sa akin." Nagsabi siya: "Kung loloobin mo ay magtitiis ka at ukol sa iyo ang Paraiso. Kung loloobin mo ay mananalangin ako kay Allāh na magpagaling Siya sa iyo." Nagsabi ito: "Magtitiis ako." Nagsabi pa ito: "Saka tunay na ako ay napabubuyangyang, kaya manalangin ka kay Allāh na hindi ako mapabuyangyang." Kaya dumalangin siya para rito.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, siya ay nagsabi: "Tunay na ang bigat ng ganti ay kaalinsabay ng bigat ng pagsubok at tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, kapag umibig sa mga tao, ay sumusubok sa kanila. Kaya ang sinumang nalugod, ukol sa kanya ang lugod; at ang sinumang nayamot, ukol sa kanya ay ang pagkayamot."Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ako minsan ay nasa likuran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw saka nagsabi siya: "O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya. Ingatan mo si Allāh, matatagpuan mo Siya sa dako mo. Kapag humingi ka, humingi ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh. Alamin mo na ang kalipunan, kung sakaling nagkaisa ito na magpakinabang sa iyo sa pamamagitan ng isang bagay, ay hindi magpapakinabang sa iyo kundi sa pamamagitan ng isang bagay na isinulat na ni Allāh para sa iyo; at kung sakaling nagkaisa sila na puminsala sa iyo sa pamamagitan ng isang bagay, ay hindi pipinsala sa iyo kundi sa pamamagitan ng isang bagay na isinulat na ni Allāh laban sa iyo. Iniangat ang mga panulat at natuyo ang mga talaan."}Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mananampalatayang malakas ay higit na mabuti at higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mananampalatayang mahina. Sa bawat kabutihan, magsigasig ka sa magpapakinabang sa iyo, magpatulong ka kay Allāh, at huwag kang panghinaan. Kung may tumama sa iyo na anuman ay huwag kang magsabi: 'Kung sakaling ako ay gumawa ng ganito, naging ganito at ganito sana,' subalit magsabi ka: 'Ang pagtatakda ni Allāh at ang anumang niloob Niya ay ginawa Niya,' sapagkat tunay na [ang katagang] 'kung sakali' ay nagbubukas sa gawain ng demonyo."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abē 'Uzzah Al-Hudhalīy-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag ninais ni Allah na bawian ng buhay ang kanyang alipin sa isang lugar,Gagawa si Allah ng pangangailangan niya dito))Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud At-Tayalusiy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Sumulat si Allāh ng mga itinakda sa mga nilikha limampung libong taon bago Niya nilikha ang mga langit at ang lupa." Nagsabi Siya: At ang trono Niya ay nasa ibabaw ng tubig.}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: سَمِعْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ: «إِنَّ اللَّهَ قَالَ: إِذَا ابْتَلَيْتُ عَبْدِي بِحَبِيبَتَيْهِ فَصَبَرَ، عَوَّضْتُهُ مِنْهُمَا الجَنَّةَ» يُرِيدُ: عَيْنَيْهِ.رواه البخاري