Hadith for the World
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ang mga Pagkain at ang mga Inumin

5 hadiths

5 hadiths

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nag-alaga ng isang aso maliban sa isang aso ng pangangaso o [pagbabantay ng] hayop, may nababawas [na gantimpala] mula sa gawa niya na dalawang qīrāt sa bawat araw." Nagsabi si Sālim: "Si Abū Hurayrah noon ay nagsasabi: O isang asong ng taniman. Siya ay may-ari ng isang taniman."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abdullah bin Awfa`-malugod si Allah sa kanilang dalawa-((Nakipag-darambong kami kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang pitong beses na pagdarambong,kumakain kami ng balang))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang pumatay ng isang tuko sa unang palo ay magkakamit siya ng ganito at gayong magandang gawa. Ang sinumang pumatay nito sa ikalawang palo ay magkakamit siya ng ganito at gayong magandang gawang mababa sa una. Kung pinatay niya ito sa ikatlong palo ay magkakamit siya ng ganito at gayong magandang gawa." Sa isang sanaysay: "Ang sinumang pumatay ng isang tuko sa unang palo ay magsusulat para sa kanya ng isandaang magandang gawa; sa ikalawang palo ay [magkakamit] ng mababa roon; at sa ikatlong palo ay [magkakamit] ng mababa roon."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang bawat tagapagpalasing ay alak. Ang bawat tagapagpalasing ay bawal. Ang sinumang uminom ng alak sa Mundo saka namatay habang siya ay nasusugapa rito nang hindi nagbalik-loob, hindi siya makaiinom nito sa Kabilang-buhay."Nagsalaysay nito si Imām Muslim at nagtala si Imām Al-Bukhārīy ng huling pangungusap mula rito
عن عائشة رضي الله عنها : أنّ قومًا قالوا: يا رسول الله إنّ قومًا يأتوننا باللحم لا نَدري أَذَكروا اسمَ الله عليه أم لا، فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «سَمُّوا الله عليه وكُلُوه».رواه البخاري