Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:

Available in 60 languages
«Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa lalaki: nakikipaglaban dala ng katapangan, nakikipaglaban dala ng pagkamakalahi, at nakikipaglaban dala ng pakitang-tao. Ang alin doon ay sa landas ni Allāh? Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakipaglaban upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas, siya ay nasa landas ni Allāh."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagkakaiba-iba ng mga pakay ng mga nakikipaglaban: ang nakipaglaban dala ng katapangan o dala ng pagkamakalahi o upang magpakita ng katayuan niya sa mga tao o iba pa roon kung ang alin sa mga ito ay sa landas ni Allāh. Kaya naman nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang nakikipaglaban sa landas ni Allāh ay ang sinumang nakipaglaban upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas.

Source
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Download image

Saved at original quality