Hadith for the World
Ang Jihād

Ang mga Patakaran at ang mga Usapin sa Jihād

4 hadiths

4 hadiths

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagtipon si Allāh sa mga una at mga huli sa Araw ng Pagbangon, may iaangat para sa bawat traidor na isang watawat saka sasabihin: Ito ay katraiduran ni Polano na anak ni Polano."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {May isang babaing natagpuan sa isa sa mga pagsalakay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na napatay. Nagmasama ang Sugo ni Allāh sa pagpatay ng mga babae at mga paslit.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن عبد الله بن أبي أوفى رضي الله عنه أَنَّ رسول الله صلى الله عليه وسلم فِي بَعْض أَيَّامه التي لَقِي فيها العدو انتظر، حتى إذا مَالَتِ الشمس قام فِيهم، فقال: «أَيُّها الناس، لا تَتَمَنَّوْا لِقَاء الْعَدُوِّ، وَاسْأَلوا الله الْعافية فَإِذا لَقِيتموهم فَاصْبِرُوا، وَاعلموا أَنَّ الْجَنَّة تحت ظِلال السُّيوف ثُمَّ قَال النَّبِي صلى الله عليه وسلم: اللهمَّ مُنزِلَ الْكتاب، وَمُجْرِيَ السَّحاب، وَهازم الأَحْزاب: اهْزِمهم، وَانصُرنا علَيهم».متفق عليه
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa lalaki: nakikipaglaban dala ng katapangan, nakikipaglaban dala ng pagkamakalahi, at nakikipaglaban dala ng pakitang-tao. Ang alin doon ay sa landas ni Allāh? Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakipaglaban upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas, siya ay nasa landas ni Allāh."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito