Hadith for the World
Ang Jihād

Ang Kalamangan ng Jihād

11 hadiths

11 hadiths

Mula kay Fadhalah Bin Ubaid at Salman Al-farisiy at Uqbah Bin A'meer Al-juhaniy -Malugod ang Allah sa kanila- Marfuw'an: ((Ang lahat ng patay ay seselyuhan siya sa kanyang gawain, maliban sa isang makikidigma sa landas ng Allah, dahil lalago o aagos sa kanya ang kanyang gawain hanggang sa Araw ng Pagkabuhay, at maliligtas siya sa tukso o pagsubok sa loob ng puntod))Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pagbabantay ng hangganan ng isang araw sa landas ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito. Ang puwestong singnipis ng isang latigo ng isa sa inyo mula sa Paraiso ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito. Ang rawḥah na lalakbayin ng tao sa landas ni Allāh o ang ghadwah ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa ibabaw nito."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: (( Walang sugat na nasugatan para sa landas ni Allah,maliban sa ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay,na ang sugat nito ay dadanak: at ang kulay nito ay kulay ng dugo,at halimuyak nito ay halimuyak ng pabango))Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Zayd bin Khālid (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang naghanda ng isang tagalusob sa landas ni Allāh, lumusob nga siya. Ang sinumang humalili sa isang tagalusob sa landas ni Allāh nang mabuti, lumusob nga siya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Nagpapatawad si Allah sa martir sa bawat bagay maliban sa utang." Sa isang sanaysay niya: "Ang pagpatay alang-alang sa landas ni Allah ay nagtatakip-sala sa bawat bagay maliban sa utang."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Hindi papasok sa Impiyerno ang isang lalaking umiyak dahil sa takot kay Allah malibang bumalik ang gatas sa suso. Hindi magtatagpo ang alabok sa [digmaan] alang-alang sa landas ni Allah at ang usok ng Impiyerno."Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Walang nadarama ang martir na hapdi ng kamatayan malibang gaya ng nadarama ng isa sa inyo na hapdi ng kurot."Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Sinabi: "O Sugo ni Allāh, ano ang nakatutumbas sa pakikibaka sa landas ni Allāh?" Nagsabi siya: "Hindi ninyo makakaya iyon." Kaya inulit nila sa kanya nang dalawang ulit o tatlo; bawat isa roon ay nagsasabi siya: "Hindi ninyo makakaya iyon." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Ang paghahalintulad sa nakikibaka sa landas ni Allāh ay katulad ng nag-aayuno, na nagdarasal sa gabi, na sumusunod sa mga talata ni Allāh: hindi nananamlay sa pag-aayuno ni sa pagdarasal, hanggang sa makabalik ang nakikibaka sa landas ni Allāh." Sa sanaysay ni Imām Al-Bukhārīy: May isang lalaking nagsabi: "O Sugo ni Allāh, gabayan mo ako sa isang gawaing nakatutumbas sa pakikibaka." Nagsabi siya: "Hindi ko natatagpuan iyon." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Makakaya mo ba, kapag lumabas ang nakikibaka, na pumasok sa masjid mo at magdasal ka sa gabi at hindi ka mananamlay, at mag-ayuno ka at hindi ka mananamlay?" Nagsabi ito: "Sino po ang makakakaya niyon?"Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "O Abū Sa`īd, ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta, nagindapat para sa kanya ang Paraiso." Kaya nagtaka rito si Abū Sa`īd saka nagsabi ito: "Ulitin mo po iyan sa akin, O Sugo ni Allāh." Kaya ginawa niya, pagkatapos nagsabi siya: "May iba pang iaangat sa pamamagitan nito ang tao ng isandaang antas sa Paraiso, na ang pagitan ng bawat dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa." Nagsabi ito: "Ano po ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh, ang pakikibaka sa landas ni Allāh."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang mga araw na ang maayos na gawain sa mga iyon ay higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mga araw na ito." Tumutukoy siya sa unang sampung araw [ng Dhulḥijjah]. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ni ang pakikibaka sa landas ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ni ang pakikibaka sa landas ni Allāh, maliban sa isang lalaking lumabas kalakip ng buhay niya at ari-arian niya saka hindi na bumalik mula roon na may anuman."}Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Abū Dāwud at ang pagkakasambit ay sa kanya
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang namatay nang hindi nakibaka at hindi naglayon sa sarili niya ng pakikibaka ay namatay sa isang katangian ng isang pagpapanggap."Nagsalaysay nito si Imām Muslim