Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang Pinaniniwalaan

Ayon kay Abū Ayyūb Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

Available in 70 languages
«Ayon kay Abū Ayyūb Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi ipinahihintulot sa isang tao na umiwas sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong gabi. Nagsasalubong silang dalawa saka tatalikod ito at tatalikod iyan. Ang pinakamabuti sa kanilang dalawa ay ang nagpapasimula ng pagbati."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-iwas ng Muslim sa kapatid niyang Muslim nang higit sa tatlong araw: nagsasalubong ang bawat isa sa kanila sa isa pa at hindi bumabati rito at hindi kumakausap dito. Ang pinakamainam sa dalawang nag-aalitang ito ay ang sinumang nagtatangka ng pag-aalis ng pag-iiwasan at nagpapasimula ng pagbati. Ang ibig sabihin ng pag-iwas dito ay ang pag-iwas alang-alang sa kabutihan ng sarili. Hinggil naman sa pag-iwas alang-alang sa karapatan ni Allāh gaya ng pag-iwas sa mga suwail, mga tagagawa ng bid`ah, at mga kapisan ng kasagwaan, ito ay hindi natatakdaan ng oras. Ito ay sumasalalay lamang sa kapakanan sa pag-iwas at napapawi sa pagkapawi nito.

Source
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Download image

Saved at original quality