Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:

Available in 70 languages
«Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May dalawang pangungusap na magaan sa dila, na mabigat sa timbangan [ang gantimpala], na kaibig-ibig sa Napakamaawain: Subḥana –llāhi –l-`aḍ̆īm (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Sukdulan) at Subḥana –llāhi wa-biḥamdih (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya)."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa dalawang pangungusap na mabibigkas ng tao nang walang hirap at sa bawat kalagayan, na ang dalawang ito ay sukdulan sa pabuya sa timbangan [ng mga gawa] at na ang Panginoon natin, ang Napakamaawain (napakamapagpala Siya at napakataas), ay nakaiibig sa dalawang ito: Subḥana –llāhi –l-`aḍ̆īm (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Sukdulan) at Subḥana –llāhi wa-biḥamdih (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya). Dahil naglalaman ang dalawang ito ng paglalarawan kay Allāh ng kasukdulan at kalubusan at ng pagpapawalang-kinalaman sa Kanya ng mga kakulangan (napakamapagpala Siya at napakataas).

Source
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Download image

Saved at original quality