Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa):

Available in 60 languages
«Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {May isang lalaki na nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling gawain sa Islām ang pinakamabuti. Nagsabi siya: "Magbigay ka ng pagkain at bumigkas ng pagbati sa sinumang nakilala mo at sa sinumang hindi mo nakilala."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung alin sa mga kakanyahan ng Islām ang pinakamainam. Kaya naman bumanggit siya ng dalawang kakanyahan: A. Ang pagpapadalas ng pagpapakain sa mga maralita. Napaloloob dito ang pagkakawanggawa, ang pagreregalo, ang pagpapanauhin, at ang pagpipiging. Natitiyak ang kalamangan ng pagpapakain sa mga panahon ng taggutom at pagtaas ng mga presyo. B. Ang pagbibigay ng pagbati sa bawat Muslim na nakilala mo o hindi mo nakilala.

Source
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Download image

Saved at original quality