Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

Available in 44 languages
«Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): Namemerhuwisyo sa Akin ang anak ni Adan habang inaalipusta niya ang panahon samantalang Ako ay ang Panahon; nasa kamay Ko ang kautusan, na nagpapasalit-salit Ako ng gabi at maghapon."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsasabi sa banal na ḥadīth: "Namemerhuwisyo sa Akin at nangmamata sa Akin ang tao na nang-aalipusta at namumula sa panahon sa sandali ng pagbaba ng mga kasawiang-palad at mga kinasusuklaman." Ito ay dahil Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Tagapangasiwa – tanging Siya – at ang Tagapatnugot sa anumang nangyayari. Kaya ang pag-alipusta sa Panahon ay isang pag-alipusta kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ang panahon ay isang nilikhang pinagsisilbi lamang, na nagaganap dito ang mga nangyayari ayon sa utos ni Allāh (napakataas Siya).

Source
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Download image

Saved at original quality