Hadith for the World
1 Muharram

Hijri new year: reckoning and reliance

A pause for repentance, reliance on God and knowledge at the start of a new year.

3 hadiths
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Talagang si Allāh ay higit na masaya sa pagbabalik-loob ng lingkod Niya kaysa sa isa inyo na nakasumpong sa kamelyo niya noong naiwala niya ito sa lupang disyerto." Sa isang sanaysay: "Talagang si Allāh ay higit na matindi sa tuwa sa pagbabalik-loob ng lingkod Niya nang nagbabalik-loob ito sa Kanya kaysa sa isa sa inyo na lulan dati ng sasakyang kamelyo nito sa lupang disyerto ngunit nakawala iyon mula rito. Lulan niyon ang pagkain niya at inumin niya kaya nawalan siya ng pag-asa roon. Pumunta siya sa isang punong-kahoy at nahiga sa lilim niyon. Nawalan na siya ng pag-asa sa sasakyang kamelyo niya ngunit habang siya ay gayon, biglang siya ay kasama niyon habang nakatayo sa tabi niya. Kinuha niya ang renda niyon. Pagkatapos ay nagsabi dahil sa tindi ng tuwa: "O Allāh, Ikaw ay alipin ko at ako ay Panginoon Mo!" Nagkamali siya dahil sa tindi ng tuwa.Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay 'Abdullāh bin 'Ukaym-malugod si Allāh sa kanya-Hadith na marfū: "Sinuman ang manalig sa isang bagay,ipapaubaya siya rito"Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na si Allah ay hindi kumukuha ng kaalaman sa paraang hinahablot Niya ito mula sa mga tao, subalit kinukuha Niya ang kaalaman sa pamamagitan ng pagkuha sa mga maalam hanggang sa kapag wala na Siyang itinirang isang maalam ay gagawin niya ang mga tao bilang mga pinunong mangmang. Tatanungin sila at maghuhusga sila nang walang kaalaman kaya naman naligaw sila at nanligaw sila."Napagkaisahan ang katumpakan