TL
Ang Pinaniniwalaan
Ang Pananampalataya sa mga Sugo
12 hadiths
Ang Pagkapropeta
2
Ang mga Naunang Propeta at mga Sugo - sumakanila ang pangangalaga
2
Ang Propeta Nating si Muhammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan
7
Ang mga Milagro ng mga Muḥammad Walīy
1
12 hadiths
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, walang nakaririnig hinggil sa akin na isa mula sa kalipunang ito na isang Hudyo ni isang Kristiyano, pagkatapos namatay iyon habang hindi sumampalataya sa ipinasugo sa akin, malibang iyon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanila): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Binigyan ako ng limang hindi binigyan ng mga ito ang isa man bago ko: iniadya ako sa pamamagitan ng pagkasindak [ng mga kaaway] sa layo ng paglalakbay ng isang buwan, ginawa para sa akin ang lupa bilang mapagpapatirapaan at bilang pandalisay kaya ang alinmang lalaki kabilang sa Kalipunan ko na inabutan ng ṣalāh ay magdasal siya, ipinahintulot sa akin ang mga samsam samantalang hindi ito ipinahintulot sa isa man bago ko, binigyan ako ng Pamamagitan, at ang propeta ay ipinapadala sa kalipunan niya sa partikular samantalang ipinadala ako sa mga tao sa kalahatan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Dito nilikha si Adan, dito ipinasok siya sa Paraiso, dito inilabas siya mula roon. Hindi sasapit ang Huling Sandali kundi sa araw ng Biyernes."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Mula kay Abu-hurayrah -Malugod ang Allah sa kanya- mula sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi: ((Si Dawud -Sumakanya ang pangangalaga- ay hindi siya kakain kundi mula sa gawa ng kanyang kamay)). At mula kay Almiqdam Bin Maad Yakrib -Malugod ang Allah sa kanya- mula sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi: ((Hindi kailanman nakakain ng maganda ang isang tao kaysa sa kakain siya mula sa gawa ng kanyang kamay, at katotohanan ang Propeta ng Allah si Dawud -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay kakain siya mula sa gawa ng kanyang kamay)).
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang buong Kalipunan ko ay papasok sa Paraiso, maliban sa sinumang tumanggi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at sino po ang tatanggi?" Nagsabi siya: "Ang sinumang tumalima sa akin ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa akin ay tumanggi nga."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
/]Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dinalhan noong gabi ng paghatid sa kanya [sa langit] ng dalawang mangkok ng alak at gatas. Tiningnan niya ang dalawang ito at kinuha niya ang gatas. Nagsabi si Jibrīl: "Ang papuri ay ukol kay Allah na nagpatnubay sa iyo sa kalikasan ng pagkalalang; kung sakaling kinuha mo ang alak, nalihis na sana ang kalipunan mo."
Napagkaisahan ang katumpakan
عن واثلة بن الأسقع رضي الله عنه ، قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «إنَّ اللهَ اصْطَفى كِنانَة من وَلَد إسماعيل، واصْطَفى قُريشًا من كِنانة، واصْطَفى بَني هاشم مِنْ قُرَيش، واصْطَفاني مِنْ بني هاشم، فأنا سَيِّدُ وَلَد آدم ولا فَخْر، وأوَّلُ مَن تَنْشَقُّ عنه الأرض، وأوَّلُ شافع، وأوَّل مُشَفَّع».
رواه ابن حبان، وأصله في صحيح مسلم
عن أبي موسى رضي الله عنه قال: سَمَّى لنا رسولُ الله صلى الله عليه وسلم نفْسَه أسْماءً منها ما حَفِظْنا فقال: «أنا محمد، وأحمد، والمُقَفِّي، والحاشِر، ونبي الرَّحمة، قال يزيد: ونبِيُّ التوبة ونَبِيُّ المَلْحَمة».
رواه مسلم وأحمد
Ayon kay 'Usāmah bin Zayd malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nakita ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang kastilyo mula sa mga kastilyo sa Madinah, Nagsabi siya:( Nakikita ba ninyo ang nakikita ko?))Nagsabi sila: Hindi,Nagsabi siya:((Sapagkat tunay na nakikita ko ang Sedisyon,na mangyayari sa loob ng bahay ninyo tulad ng pagbuhus ng ulan))
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: «مِنْ أَشَدِّ أُمَّتِي لِي حُبًّا نَاسٌ يَكُونُونَ بَعْدِي، يَوَدُّ أَحَدُهُمْ لَوْ رَآنِي بِأَهْلِهِ وَمَالِهِ».
رواه مسلم
عن أبي هريرة أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: "فُضِّلْتُ على الأنبياء بستٍّ: أُعطيتُ جوامع الكَلِم، ونُصرت بالرعب، وأُحِلَّت لي الغنائم، وجعلت لي الأرض طهورًا ومسجدًا، وأرسلت إلى الخلق كافة، وختم بي النبيون".
متفق عليه