Hadith for the World
Ang mga Pisikal na Paglalarawan kay Propeta Muḥammad

Ang Patnubay Pampropeta

7 hadiths

7 hadiths

Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay napagagalak sa pagkakanan sa pagsasandalyas niya, pagsusuklay niya, at pagdadalisay niya, at sa pumapatungkol sa kanya sa kabuuan nito.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag tumitindig siya [sa pagdarasal] sa gabi, ay nagsisipilyo ng bibig niya sa pamamagitan ng siwāk.}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Zaynab bint Jaḥsh (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumasok sa kinaroroonan niya dala ng panghihilakbot, na nagsasabi: "Walang Diyos kundi si Allāh. Kapighatian ay ukol sa mga Arabe mula sa isang kasamaan na nalapit na! Binuksan ngayong araw mula sa saplad ng Gog at Magog ang tulad nito." Nagpabilog siya ng daliri niya sa hinlalaki niya, na kasunod nito."} Nagsabi si Zaynab bint Jaḥsh: {Kaya nagsabi ako, O Sugo ni Allāh, masasawi po ba tayo samantalang nasa atin ang mga maayos na tao? Nagsabi siya: "Oo, kapag dumami ang karumalan."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {May isang pangkat ng mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagtanong sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa gawain niya sa lihim [na kalagayan]. Nagsabi ang isa sa kanila: "Hindi ako mag-aasawa ng mga babae." Nagsabi ang isa pa sa kanila: "Hindi ako kakain ng karne." Nagsabi naman ang isa pa sa kanila: "Hindi ako matutulog sa higaan." Kaya pumuri siya kay Allāh at nagbunyi sa Kanya saka nagsabi: "Ano ang isip ng mga taong nagsasabi ng ganito? Subalit ako ay nagdarasal, natutulog, nag-aayuno, tumitigil-ayuno, at nakikipagtalik sa mga babae. Kaya ang sinumang umayaw sa sunnah ko ay hindi kabilang sa akin."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: إِنَّ خَيَّاطًا دَعَا رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ لِطَعَامٍ صَنَعَهُ، قَالَ أَنَسُ بْنُ مَالِكٍ: فَذَهَبْتُ مَعَ رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِلَى ذَلِكَ الطَّعَامِ، فَقَرَّبَ إِلَى رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ خُبْزًا وَمَرَقًا، فِيهِ دُبَّاءٌ وَقَدِيدٌ، فَرَأَيْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَتَتَبَّعُ الدُّبَّاءَ مِنْ حَوَالَيِ القَصْعَةِ، قَالَ: فَلَمْ أَزَلْ أُحِبُّ الدُّبَّاءَ مِنْ يَوْمِئِذٍ.متفق عليه
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Sinabi: "O Sugo ni Allāh, manalangin ka laban sa mga tagapagtambal." Nagsabi siya: "Tunay na ako ay hindi ipinadala bilang palasumpa. Ipinadala lamang ako bilang awa."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim