Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

Available in 54 languages
«Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mabuting panaginip ay mula kay Allāh at ang masamang panaginip ay mula sa Demonyo. Kaya kapag nanaginip ang isa sa inyo ng isang panaginip na pinangangambahan niya, dumura siya sa dakong kaliwa niya at magpakapalakupkop siya kay Allāh laban sa kasamaan nito kaya tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya."}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mabuting panaginip na nagpapatuwa sa sandali ng pagkatulog ay mula kay Allāh samantalang ang masamang pananaginip, ang panaginip na kinasusuklaman at nagpapalungkot, ay mula sa demonyo. Kaya ang sinumang nakapanaginip ng kinasusuklaman niya, lumura siya sa dakong kaliwa niya at humiling siya ng pagkupkop kay Allāh laban sa kasamaan niyon kaya tunay na iyon ay hindi makapipinsala sa kanya yayamang gumawa si Allāh sa binanggit bilang kadahilanan para sa kaligtasan mula sa kinasusuklamang inireresulta ng panaginip.

Source
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Download image

Saved at original quality