Hadith for the World
Tap the image to view it full size
Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:

Available in 69 languages
«Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang pagdalangin ay ang pagsamba." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 40:60): {Nagsabi ang Panginoon ninyo: “Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.” Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}}»

Meaning translation ·

Explanation

The meaning in a few plain lines

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagdalangin ay ang pagsamba. Kaya naman ang kinakailangan ay na ang kabuuan nito ay maging wagas ukol kay Allāh. Maging ito man ay pagdalangin ng paghingi at paghiling sa pamamagitan ng paghingi kay Allāh ng anumang ipakikinabang at pagtulak ng anumang ikapipinsala sa Mundo at Kabilang-buhay; o ito man ay pagdalangin ng pagsamba, na bawat anumang iniibig ni Allāh at kinalulugdan Niya na mga sinasabi at mga ginagawang lantaran o pakubli, na mga pagsambang pampuso o pangkatawan o pampananalapi. Pagkatapos humango ng patunay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para roon yayamang nagsabi siya: "Nagsabi si Allāh (Qur'ān 40:60): {“Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.” Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}."

Source
Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad
Download image

Saved at original quality