TL
Ang Marangal na Qur'ān at ang mga Agham Nito
Ang Pagpapakahulugan ng Qur'ān
2 hadiths
تفسير الآيات
1
2 hadiths
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito. Kaya kapag sumikat ito saka nakakita nito ang mga tao, sasampalataya silang lahat ngunit iyon ay kapag: {hindi magpapakinabang sa isang kaluluwa ang pananampalataya nito [kung] hindi ito dating sumampalataya bago pa niyan o nagkamit ito sa pananampalataya nito ng isang kabutihan.} (Qur'ān 6:158) Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang nakapaglatag na ang dalawang lalaki ng kasuutan nila sa pagitan nilang dalawa ngunit hindi sila makapagbibilihan nito at hindi sila makapagtutupi nito. Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang nakalisan na ang lalaki nang may gatas ng kamelyo niya ngunit hindi siya makatitikim nito. Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang siya ay nagkukumpuni ng tubigan niya ngunit hindi siya makapagpapainom dito. Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang nag-angat na ang isa sa inyo ng pagkain niya tungo sa bibig niya ngunit hindi siya makatitikim nito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong bumaba [ang talatang]: {1. Tunay na Kami ay nagpawagi sa iyo ng isang malinaw na pagwagi 2. upang magpatawad sa iyo si Allāh ...} hanggang sa sabi Niya: {... isang pagkatamong sukdulan –} (Qur'ān 48:1-5) sa pagkauwi niya mula sa Al-Ḥudaybīyah, samantalang lumilipos sa kanila ang lungkot at ang lumbay at nakatay na niya ang alay sa Al-Ḥudaybīyah, nagsabi naman siya: "Talaga ngang may pinababa sa akin na isang talata na siyang higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa Mundo sa kalahatan."}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim