17 hadiths
Ayon kay Abū Bakrah, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na ang panahon ay nakaikot na gaya ng anyo nito nang araw na nilikha ni Allāh ang mga langit at lupa. Ang taon ay labindalawang buwan, na mula sa mga ito ay may apat na bawal makipaglaban: tatlong magkakasunod: Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, at Al-Muḥarram, at ang Rajab ng Muḍar na nasa pagitan ng Jumādā at Sha`bān. Aling buwan ito? Nagsabi kami: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nanahimik siya hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito. Nagsabi siya: Ito ba ay hindi Dhulḥijjah? Nagsabi kami: Opo. Nagsabi siya: At aling bayan ito? Nagsabi kami: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nanahimik siya hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito. Nagsabi siya: Ito ba ay hindi Al-Baldah? Nagsabi kami: Opo." Nagsabi siya: At aling araw ito? Nagsabi kami: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nanahimik siya hanggang sa inakala naming siya ay magpapangalan nito ng iba sa pangalan nito. Nagsabi siya: Ito ba ay hindi Araw ng Pag-aalay? Nagsabi kami: Opo. Nagsabi siya: Kaya tunay na ang mga buhay ninyo, ang mga ari-arian ninyo, at ang mga dangal ninyo sa inyo ay bawal labagin gaya ng pagkabawal labagin ng araw ninyong ito sa bayan ninyong ito sa buwan ninyong ito. Makatatagpo ninyo ang Panginoon ninyo at tatanungin Niya kayo tungkol sa mga gawa ninyo. Makinig, kaya huwag kayong manumbalik matapos ko sa pagiging mga Kāfir na tinataga ng ilan sa inyo ang mga leeg ng mga iba. Makinig, magpaabot ang nakasaksi sa nakaliban sapagkat harinawang ang ilan sa aabutan nito ay maging higit na nakatatalos dito kaysa sa ilan sa nakarinig ito." Pagkatapos ay nagsabi siya: Makinig, naipaabot ko ba? Makinig, naipaabot ko ba? Nagsabi kami: Opo. Nagsabi siya: O Allāh, sumaksi Ka."Napagkaisahan ang katumpakan