Hadith for the World
Ang Ḥajj at ang `Umrah

Ang Kainaman ng Ḥajj at `Umrah

5 hadiths

5 hadiths

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang babaing kabilang sa mga Tagaadya, na pinangalanan ng Anak ni `Abbās ngunit nakalimutan ko ang pangalan nito: "Ano ang pumigil sa iyo na magsagawa ng ḥajj kasama namin?" Nagsabi ito: "Hindi kami nagkaroon kundi ng dalawang kamelyong pang-igib," ngunit nagsagawa ng ḥajj ang ama ng anak niya at ang anak niya sakay ng isang kamelyong pang-igib, "at nag-iwan siya sa amin ng isang kamelyong pang-igib na nag-iigib kami sakay nito." Nagsabi siya: "Kaya kapag dumating ang Ramaḍān, magsagawa ka ng `umrah sapagkat tunay na ang isang `umrah dito ay nakatutumbas sa isang ḥajj."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh saka hindi humalay at hindi nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya."}Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "O Sugo ni Allāh, nagtuturing kami na ang pakikibaka ay pinakamainam na gawain. Kaya makikibaka po ba kami?" Nagsabi siya: "Hindi; subalit ang pinakamainam na pakikibaka ay isang ḥajj na tinanggap."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: "Wala nang araw na higit na marami sa pagpapalaya si Allāh doon ng alipin mula sa Impiyerno kaysa sa Araw ng `Arafah. Tunay na Siya ay talagang lumalapit. Pagkatapos ay ipinagkakapuri Niya sila sa mga anghel at nagsasabi: Ano ang ninais ng mga ito?"Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عن أبي هريرة رضي الله عنه: أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «العمرة إلى العمرة كفارةٌ لما بينهما، والحج المبرور ليس له جزاءٌ إلا الجنة».متفق عليه