TL
Ang Fiqh ng mga Pakikitungo
Ang Pautang
4 hadiths
Ang mga Pagtitinda
4
Ang Interes
1
Ang Pautang
4
Ang Pagkakasundo at ang mga Patakaran ng Kapitbahayan
2
الإجارة
1
Ang Waqf
1
Ang Regalo at ang Bigay
1
Ang mga Panunumpa at ang mga Panata
3
4 hadiths
Ayon kay Abē Hurayrah malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang isang lalaki ay dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-naniningil ng utang sa kanya, naging mapusok siya sa kanya,kaya nagalit ang kanyang mga kasamahan.Nagsabi ang Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-:((Hayaan ninyo siya, sapagkat ang nagmamay-ari ng karapatan ay may katuwiran)) Pagkatapos ay Nagsabi siyang:((Bigyan ninyo siya ng kamelyong kasing gulang ng kamelyo niya))Nagsabi sila:O Sugo ni Allāh! Wala kaming natagpuan maliban sa mas mataas sa gulang [ng kamelyo niya], Nagsabi siya:((Ibigay ninyo ito sa kanya, sapagkat ang pinakamainam sa inyo,yaong pinakamabuti sa inyo magbayad))
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Badrīy, malugod si Allāh sa kanya: "May tutuusing isang lalaking kabilang noon sa nauna sa inyo ngunit walang natagpuan sa kanya na kabutihan na anuman malibang siya noon ay nakikihalubilo sa mga tao. Siya noon ay nagpapaluwag. Nag-uutos siya noon sa mga utusan niya na magpaumanhin sila sa nagigipit. Nagsabi si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: Kami ay higit na karapat-dapat doon kaysa sa kanya; magpaumanhin kayo sa kanya."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay humanap sa isang nagkautang sa kanya ngunit nagtago ito sa kanya, pagkatapos natagpuan niya ito kaya nagsabi ito: "Tunay na ako ay nagigipit." Kaya nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh?" Nagsabi ito: "Sumpa man kay Allāh!" Nagsabi siya: "Sapagkat tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: 'Ang sinumang nagpagalak sa kanya na magligtas sa kanya si Allāh mula sa mga pighati ng Araw ng Pagbangon, pumawi siya [ng pighati] sa isang nagigipit o mag-alis siya ng utang nito.'"}
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: «مَنْ أَخَذَ أَمْوَالَ النَّاسِ يُرِيدُ أَدَاءَهَا أَدَّى اللَّهُ عَنْهُ، وَمَنْ أَخَذَ يُرِيدُ إِتْلاَفَهَا أَتْلَفَهُ اللَّهُ».
رواه البخاري