Hadith for the World
Ang Pag-aanyaya tungo kay Allāh

Ang Kalamangan ng Islām at ang mga Kagandahan Nito

5 hadiths

5 hadiths

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagkasakit ang tao o naglakbay siya, magtatala para sa kanya ng tulad ng dating ginagawa niya habang nananatili at malusog."}Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa gabi at bumigat ang pagbigkas ng Qur'ān sa dila niya kaya hindi niya nalaman ang sinasabi niya, matulog muna siya."Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Jābir bin Abdullāh, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag ang isang Muslim ay nagtanim ng isang tanim, ang anumang kinain mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, ang anumang ninakaw mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, at walang magbabawas rito na isa man malibang magiging isang kawanggawa ukol sa kanya." Sa isang sanaysay: "Hindi nagtatanim ang isang Muslim ng isang pananim ni hindi nagsasaka ng isang sakahin at kumain mula rito ang isang tao o isang hayop o anuman malibang ito ay magiging isang kawanggawa ukol sa kanya." Isinaysay nilang dalawang ito nang magkasama mula sa sanaysay ni Anas, malugod si Allāh sa kanya.Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Abe Al-Aswad,nagsabi siya:Dumating ako sa Madinah,umupo ako kay Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-at dumaan sa kanila ang ililibing,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang iba pa,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang ikatlo,at pinuri nila ang may-ari nito ng kasamaan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Nagsabi si Abu Al-Aswad,Nagsabi ako:At ano ang nararapat,O pinuno ng mga mananampalataya? Nagsabi siya:Sinabi ko ang tulad ng sinabi ng propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kahit sinong muslim na magsasaksi sa kanya ang apat sa kabutihan,papapasukin Siya ni Allah sa Paraiso.)) Nagsabi kami: At kung tatlo? Nagsabi siya:(( at ang tatlo)),Nagsabi kami: At kung dalawa?Nagsabi siya:(( at ang dalawa)),Pagkatapos ay hindi na namin siya tinanong,kapag isa.Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Samantalang ang isang lalaki ay naglalakad sa isang daan, tumindi sa kanya ang uhaw. Nakatagpo siya ng isang balon kaya bumaba siya roon at uminom. Pagkatapos ay lumabas siya at walang anu-ano ay may isang asong humihingal na kumakain ng basang lupa dala ng pagkauhaw. Nagsabi ang lalaki: Talaga ngang umabot ang asong ito sa uhaw na tulad ng umabot nga sa akin. Bumaba siya sa balon at pinuno ang sapatos niya ng tubig. Pagkatapos ay binitbit ito ng bibig niya hanggang sa nakaakyat siya. Pinainom niya ang aso. Kinilala ni Allah ang kabutihan niya at pinatawad siya. Nagsabi sila: O Sugo ni Allah, tunay na may gantimpala para sa amin dahil sa mga hayop? Nagsabi siya: "Sa bawat buhay na nilalang ay may gantimpala." Sa isang sanaysay: "Kinilala ni Allah ang kabutihan niya, pinatawad siya, at papasukin siya sa Paraiso." Sa isa pang sanaysay: "Samantalang may isang asong paikut-ikot sa isang balon na halos patayin na ito ng uhaw, walang anu-ano ay nakita ito ng isang patutot na kabilang sa mga patutot ng mga anak ni Israel. Hinubad niya ang sapatos niya at ipinansalok ito para roon. Pinainom niya iyon kaya pinatawad siya dahil doon."Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan