TL
Ang Talambuhay at ang Kasaysayan
Ang Talambuhay ng Propeta
34 hadiths
Ang mga Maybahay Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan – at ang mga Kalagayan ng Sambahayan ng Propeta
4
مبعثه صلى الله عليه وسلم
1
Ang Paglikas
1
Ang mga Pagsalakay na Pinamunuan Niya at ang mga Labanang Ipinag-utos Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan
4
Ang mga Pakikipagsulatan Niya at ang mga Pakikipaglihaman Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan
1
Ang mga Pisikal na Paglalarawan kay Propeta Muḥammad
24
34 hadiths
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay napagagalak sa pagkakanan sa pagsasandalyas niya, pagsusuklay niya, at pagdadalisay niya, at sa pumapatungkol sa kanya sa kabuuan nito.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa- (( Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa Meccah mula sa Taas [ng Meccah] sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa itaas kung saan ay matatagpuan sa Batha [malawak na lupain sa Meccah],at lumabas siya sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa ibaba.))
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) {Hindi ako nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kailanman nagpalabis-labis na tumatawa hanggang sa makakita ako mula sa kanya ng tilao niya. Siya noon ay ngumingiti lamang.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag tumitindig siya [sa pagdarasal] sa gabi, ay nagsisipilyo ng bibig niya sa pamamagitan ng siwāk.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Zaynab bint Jaḥsh (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumasok sa kinaroroonan niya dala ng panghihilakbot, na nagsasabi: "Walang Diyos kundi si Allāh. Kapighatian ay ukol sa mga Arabe mula sa isang kasamaan na nalapit na! Binuksan ngayong araw mula sa saplad ng Gog at Magog ang tulad nito." Nagpabilog siya ng daliri niya sa hinlalaki niya, na kasunod nito."} Nagsabi si Zaynab bint Jaḥsh: {Kaya nagsabi ako, O Sugo ni Allāh, masasawi po ba tayo samantalang nasa atin ang mga maayos na tao? Nagsabi siya: "Oo, kapag dumami ang karumalan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay higit na matindi sa pagkamahiyain kaysa sa birheng nasa silid nito. Kapag nakakakita siya ng isang bagay na kinasusuklaman niya, nalalaman namin ito sa mukha niya.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Ang salita ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay salitang hiwa-hiwalay,naiintindihan ito ng bawat taong nakakarinig sa kanya.
Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kung hindi dahil na makapagpahirap ako sa mga mananampalataya," – o: "sa Kalipunan ko," – "talaga sanang nag-utos ako sa kanila na gumamit ng siwāk sa sandali ng bawat pagdarasal."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Maḥmūd bin Labīd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na ang pinakapinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay ang Maliit na Pagtatambal." Nagsabi sila: "Ano po ang Maliit na Pagtatambal, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagpapakitang-tao. Magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa kanila sa Araw ng Pagbangon kapag gagantihan ang mga tao sa mga gawa nila: Pumunta kayo sa kanila na kayo noon ay nagpapakitang-tao sa Mundo, saka tumingin kayo kung makatatagpo kaya kayo sa piling nila ng isang ganti."}
Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad
Ayon kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tumingin ako sa mga paa ng mga tagapagtambal sa mga uluhan namin habang kami ay nasa yungib saka nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kung sakaling ang isa sa kanila ay tumingin sa mga paa niya, nakakita sana siya sa atin sa ilalim ng mga paa niya." Kaya nagsabi siya: "O Abū Bakr, ano ang palagay mo sa dalawang si Allāh ay ang ikatlo nilang dalawa?"}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay nagsalita,inuulit niya ito sa tatlong beses nang sa ganoon ay maunwaan ito,At kapag dumating siya sa mga tao at bumati siya ,Bumabati siya sa kanila ng tatlong beses.
Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Abē Hurayrah malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang isang lalaki ay dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-naniningil ng utang sa kanya, naging mapusok siya sa kanya,kaya nagalit ang kanyang mga kasamahan.Nagsabi ang Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-:((Hayaan ninyo siya, sapagkat ang nagmamay-ari ng karapatan ay may katuwiran)) Pagkatapos ay Nagsabi siyang:((Bigyan ninyo siya ng kamelyong kasing gulang ng kamelyo niya))Nagsabi sila:O Sugo ni Allāh! Wala kaming natagpuan maliban sa mas mataas sa gulang [ng kamelyo niya], Nagsabi siya:((Ibigay ninyo ito sa kanya, sapagkat ang pinakamainam sa inyo,yaong pinakamabuti sa inyo magbayad))
Napagkaisahan ang katumpakan
عن عائشة رضي الله عنها قالت: قَدِمَ نَاسٌ مِنَ الأَعْرَابِ عَلَى رَسُولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم فقالوا: أَتُقَبِّلُونَ صِبْيَانَكُمْ؟ فقال: «نعم» قالوا: لَكِنَّا واللهِ ما نُقَبِّلُ! فقال رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم : «أَوَ أَمْلِكُ إن كانَ اللهُ نَزَعَ مِنْ قُلُوبِكُم الرَّحْمَةَ!».
متفق عليه
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ako noon ay naglalakad kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang.nakasuot siya ng isang balabal na Najrāno na makapal ang gilid. Naabutan siya ng isang arabeng disyerto. Hinatak nito siya sa balabal niya nang matinding hatak kaya nakita ko ang gilid ng balikat ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at bumakat nga doon ang gilid ng balabal dahil sa tindi ng hatak nito. Pagkatapos ay nagsabi ito: O Muḥammad, mag-utos ka para sa akin na bigyan ako mula sa yaman ni Allah na nasa iyo. Kaya lumingon siya rito at tumawa. Pagkatapos ay nag-utos siya na bigyan ito."
Napagkaisahan ang katumpakan
Mula kay Abu said r.a: Katotohanan ang mga tao mula sa ansar ay nag-hingi sila sa Sugo ni Allah- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at kanya itong binigyan, at muli sila nag-hingi at kanya itong binigyan, hanggang sa naubos ang mayroon sa kanya, at sabi niya sa kanila nung ibinuwis niya ang lahat ng anu-ano nasa kamay niya: ((Kung ano mang kabutihan na mayroon ako hindi ko iyon ipag-kait sa inyo, at sino man ang humiling ng kalinisang-puri o kabanalan ipagkaloob ito sa kanya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng tulong tutulungan siya ng dakilang Allah, at sino man ang humiling ng pag-timpi o pag-tiis para sa kanyang sarili pag-titiisin siya ng dakilang Allah, at kung ano man ang naibigay sa isang tao na maganda at napakaluwag yun ay ang sab'r (pag-timpi))).
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {May isang pangkat ng mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagtanong sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa gawain niya sa lihim [na kalagayan]. Nagsabi ang isa sa kanila: "Hindi ako mag-aasawa ng mga babae." Nagsabi ang isa pa sa kanila: "Hindi ako kakain ng karne." Nagsabi naman ang isa pa sa kanila: "Hindi ako matutulog sa higaan." Kaya pumuri siya kay Allāh at nagbunyi sa Kanya saka nagsabi: "Ano ang isip ng mga taong nagsasabi ng ganito? Subalit ako ay nagdarasal, natutulog, nag-aayuno, tumitigil-ayuno, at nakikipagtalik sa mga babae. Kaya ang sinumang umayaw sa sunnah ko ay hindi kabilang sa akin."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao. Siya noon ay ang pinakagalante sa Ramaḍān kapag nakikipagtagpo sa kanya si Anghel Gabriel. Siya noon ay nakikipagtagpo rito sa bawat gabi ng Ramaḍān saka nakikipag-aralan siya rito ng Qur'ān. Kaya talagang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa kabutihan kaysa sa hanging isinugo.}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan Niya ito at pangalagaan) ay ang pinakamaganda sa mga tao sa kaasalan."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
Ayon kay Al-Aswad bin Yazīd na nagsabi: {Nagtanong ako kay `Ā'ishah kung ano ang ginagawa noon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bahay niya. Nagsabi ito: "Siya noon ay nasa paglilingkod sa mag-anak niya," tumutukoy siya sa pagsisilbi sa mag-anak niya, "saka kapag sumapit ang pagdarasal, lumalabas siya papunta sa pagdarasal."}
Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Hindi ako nakasaling ng makapal na sutla ni ng manipis na sutla na higit na malambot kaysa sa palad ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Hindi ako nakaamoy ng isang amoy kailanman na higit na mabango kaysa sa amoy ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Talaga ngang naglingkod ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng sampung taon at hindi siya nakapagsabi sa akin ng pagkasuya, hindi siya nakapagsabi sa bagay na ginawa ko kung bakit ko ginawa iyon, ni sa bagay na hindi ko ginawa kung bakit hindi ko ginawa ang gayon."
Napagkaisahan ang katumpakan
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Hindi pinapili ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalawang bagay malibang kinuha niya ang pinakamadali sa dalawa hanggat ito ay hindi naging kasalanan sapagkat kung ito ay naging kasalanan, siya ay ang pinakamalayo sa mga tao roon. Hindi naghiganti ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa sarili niya maliban na labagin ang kabanalan ni Allāh sapagkat maghihiganti siya para kay Allāh dahil dito."}
Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
عن عائشة رضي الله عنها قالت: لمَّا رجعَ النبيُّ صلى الله عليه وسلم من الخَنْدَق، ووَضَعَ السِّلاحَ واغتسل، أتاه جِبْريلُ -عليه السلام-، فقال: «قد وضعتَ السِّلاحَ؟ واللهِ ما وضَعْناه، فاخرُج إليهم قال: فإلى أيْنَ؟ قال: ها هُنا، وأشار إلى بَنِي قُرَيْظَةَ، فخرج النبيُّ صلى الله عليه وسلم إليهم».
متفق عليه
عن أنس رضي الله عنه قال: «كأنِّي أنظر إلى الغُبار ساطِعًا في زُقَاق بني غَنْم، مَوْكبَ جبريلَ -صلوات الله عليه- حين سار رسولُ الله صلى الله عليه وسلم إلى بني قُرَيْظَة».
رواه البخاري
Page 1 of 2
Next page